^

PSN Showbiz

Glaiza ala-Cleopatra ang hitsura

- Veronica R. Samio -

Gaya nang sinasabi ni Patrick Garcia, hindi sila ni Glaiza de Castro. Totoong niligawan siya ng binata pero, along the way ay tumigil ito ng panliligaw , naisip na meron pa siyang mga bagay na dapat unahin, dapat gawin.

Hindi ito minasama ng dalaga, sa halip natuwa siya dahil hindi na matutuon sa kanila ang pansin ng lahat, hindi na siya tatawaging kontrabida ng mga supporters ng aktor at ni Jennylyn Mercado, na naghahangad na magkakasundo pa rin ang dalawa, alang-alang man lamang sa kanilang anak.

“Makakapag-concentrate na kami pareho sa aming mga trabaho. Ako rin naman may mga priorities, hindi ang pakikipag-relasyon ang hinahanap ko kundi ang ma-recognize sa aking ginagawa. But it helps na magkaibigan pa rin kami.

“Hindi ko pa kailangan ang isang lalaki to inspire me, nandiyan ng family ko to do this, they also give me the guidance that I need. With them around hinding hindi ako maliligaw.

“Hindi naman kami talagang friends ni Jennylyn (Mercado) pero hindi rin naman kami magkaaway. Nag-uusap kami pero hindi kami ganun ka-close and we never discuss Patrick.

 “No, I’ve never had a boyfriend kaya maraming nag-aakala na tomboy ako. Pero marami rin ang nagpakita ng interes, nanligaw kaya lang as I’ve said wala dito ang priority ko,” sabi ng pagkaganda-gandang aktres na dati ay sinasabing kamukha ni Angel Locsin pero, slowly ay nag-evolve para magkaron ng sarili niyang personality. Bilang paghahanda ito sa kanyang role na isang all out kontrabida sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, isang bagong afternon drama ng GMA 7 na magsisimulang mapanood sa Lunes, June 22, kapalit ng highly rated na Dapat Ka Bang Mahalin? drama.

Naka-Cleopatra look si Glaiza ngayon at hindi na affected ng mga tumitingin sa kanya admiring her new found confidence and sexiness.

“Ang sarap ng feeling to know na may kaya akong gawin na iba. Hindi basta kontrabida ang role ko. Hindi puwedeng palaging mean, may puso rin dapat,” sabi niya.

Nung una, kinabahan siya na makasama si Jackielou Blanco na siyang gumanap sa role na ginagampanan niya ngayon pero, mabait ito, talagang sinuportahan siya. Pero sabi ng aktres na gumaganap na ina niya sa remake ng movie for TV, ”She’s good by herself.”

* * *

Confident na rin si JC Tiuseco na kakayanin niya ang role na ipinagkaloob sa kanya sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Originally played by Tonton Gutierrez ang role niya bilang Troy.

 “Hindi ako hirap, siguro dahil nasanay na ako sa Dear Friend. Isa pa, bago nag-start ang series, nagkaroon pa ako ng workshop sa UP at pini-prepare ako ni Ann Villegas before each scene. I can say na mas comfortable na akong umarte ngayon, huwag lang akong pakakantahin at pasasayawin dahil dito kailangan ko pa ng mahabang praktis,” sabi niya.

Malaking tulong din sa career ni JC ‘yung pagkakasali niya sa Unang Hirit where he is assigned hindi lang sa studio kundi lumalabas din siya. Na-boost ang kanyang confidence at natuto siyang makipag-interact. Naging madaldal din siya. Kung dati, wala siyang maisip na sabihin kaya palagi siyang tahimik, ngayon kapag nagsimula na siyang magsalita, parang ayaw na niyang tumigil.

Asked kung kinalimutan na ba niya ang basketball in favor of acting, sinabi niyang “Palaging nandiyan ang basketball. Once you love it naman, hindi na ito mawawala. Besides, when I have the time, naglalaro pa rin ako, commercially.”

Natapos na niya ang pag-aaral niya this summer ng management kaya wala na siyang problema, puwede na siyang mag-concentrate sa kanyang pag-aartista, wala nang makakaabala sa kanya.

Maski na ang lovelife. Pansamantala muna niya itong isina-isantabi para tuluyang niyang maasikaso ang bagong trabaho.

* * *

Maganda yung naisip ng Star Studio na paraan para mas mailapit pa si Kim Chiu, isa sa mga pinakamahusay na aktres ng kanyang henerasyon, sa masa. Ginawan nila ito ng isang Meet and Greet event sa Eastwood Central Plaza nung Huwebes na kung saan sa tulong ng ilang kasamahan nitong artista ay mas nakamit pa ng Chinese cutie ang kasikatan na hinahangad para sa kanya ng kanyang network.

Siya ngayon ang isa sa mga pinaka-stand-out na teen icon, in demand at nangungunang multi-media female endorser at isang movie and Primetime Princess dahil sa success ng Tayong Dalawa.

vuukle comment

AKO

ANGEL LOCSIN

ANN VILLEGAS

DAPAT KA BANG MAHALIN

KUNG AAGAWIN MO ANG LAHAT SA AKIN

NIYA

RIN

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with