^

PSN Showbiz

Komprontasyon kay Hayden iniwasan ni Dr. Belo

-

MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang komprontasyon sa dating nobyong si Dr. Hayden Kho, nagpahuli si Dr. Vicki Belo sa isinagawang hearing sa Department of Justice kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanila ng aktres na si Katrina Halili.

Kasama ni Belo ang kanyang abogadong si Atty. Adel Tamano at dumiretsong nagtungo sa opisina ni Olongapo City Prosecutor Emelie Fe Delos Santos na siyang head ng panel na humahawak sa reklamo ni Halili na nagsumite na rin ng kanyang counter affidavit .

Isinumite rin ni Belo ang affidavits ng kanyang mga testigo na sina Rolly Canonoy, Erwin Serrano at Jacklyn Theng.

Ayon kay Tamano, pinabubulaanan ng kanyang kliyente na ito ang nag upload sa internet ng sex video nina Kho at Halili.

Isa umano sa testigo ni Belo ang nagsabing ang kaibigan ni Kho na si Eric Johnston Chua ang nag-upload ng sex video.

Dumating si Belo sa DOJ ilang minuto lamang matapos umalis sina Kho at Halili sa kagawaran.

Samantala, hiniling kahapon ng kampo ni Kho sa DOJ na pagbawalan si Halili na magpa-interview sa media kaugnay ng mga kasong isinasampa nito laban sa kanya.

Pero tinanggihan ito ni de los Santos sa katwirang ang panel ay hindi nagpapaapekto sa media. (Gemma Amargo-Garcia)  

vuukle comment

ADEL TAMANO

BELO

DEPARTMENT OF JUSTICE

EMELIE FE DELOS SANTOS

ERIC JOHNSTON CHUA

ERWIN SERRANO

GEMMA AMARGO-GARCIA

HALILI

HAYDEN KHO

KHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with