Diether inimbitahan sa komite ng EDSA People Power
MANILA, Philippines – Para sa pagpapanatili ng init ng EDSA People Power Revolution, kamakailan ay isinama sa imbitasyon ang aktor na si Diether Ocampo na mapabilang sa EDSA People Power Commission na may 25 katao, bukod pa sa lifetime members na sina dating Pangulong Corazon C. Aquino at Fidel V. Ramos, sa loob ng tatlong taon.
Ang makasaysayang naganap na EDSA 1986 ay isang malaking pagpupunyagi sa ating demokrasya na nagbibigay pagkilala sa lahat ng mga sumunod at susunod pang makabayang pangyayari — kahit saan mang partido o posisyon galing ang isang indibidwal — para mai-promote ang Good Citizenship Program ng komite at maitayo ang Freedom Center para sa mga susunod pang henerasyon.
Ang ilan sa mga tumanggap ng imbitasyon sa komite ay sina Tina Monzon-Palma, Rep. Agapito “Butch” Aquino, Ramon “RJ” Jacinto, Rev. Msgr. Gerardo Santos, at dating senador na si Heherson Alvarez.
- Latest