^

PSN Showbiz

Dahil kay Jennylyn, Patrick takot na ma-inlove

- Veronica R. Samio -

Unang-unang itinanong ng mga press na dumalo sa launching ng Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin kay Patrick Garcia ay kung totoong sila na nga ni Glaiza de Castro. Dalawa sila sa apat na major stars ng bagong episode ng Sine Novela Presents na nagtatampok din kina Maxene Magalona at JC Tiuseco.

“It’s not true, good friends lang kami. I’m afraid to fall in love. If ever, I’d like to fall in love with the right one. Besides, I don’t look for love, I let love find me,” sagot niya.

Itinanggi rin niya yung napabalitang pagku-quit niya sa showbiz.

“Inisip ko lang na tumigil muna para matigil ang mga intriga, inisip ko rin na umalis muna. Pero kung dati ay palagi kong iniiwasan ang isyu, now I will face it truthfully.

 “Wala akong galit kay Jennylyn (Mercado) but I don’t think it’s wise for us to work together at this time, hangga’t hindi pa lumalambot ang puso niya sa akin,” dagdag pa ng aktor na gagawa na ng hak­bang para makipag-ayos sa aktres ngayong naririnig na niya na pumapayag na itong makipag-trabaho sa kanya. Gusto lamang niyang makasiguro na mayroong 100% na blessing si Jennylyn bago siya gumalaw. Nilinaw lamang niya na kahit kailan ay hindi niya pinagdudahan ang pagiging ama niya sa isinilang nito.

Magsisimulang mapanood ang Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin sa June 22, sa Dramarama sa Hapon ng GMA 7. Kasama rin sina Emilio Garcia, Joanne Quintas, Rich Asuncion, Jace Flores at Lovely Rivero.

* * *

Mabuti na lamang at nakakawala na sa pagkaka­­lulong sa kanyang computer si Victor Basa. Mga 18 oras siyang nasa computer at halos naging buhay na niya ito.

“Naramdaman ko na lang na I wanted a life out­side of my computer kaya nagpasya akong tu­migil,” anang aktor na kilalang-kilala na bilang Brother John, ang character na ginagampanan niya sa seryeng May Bukas Pa. 

Isa sa pinaka-abalang artist ng Star Magic si Victor. Bukod sa May Bukas Pa, regular siya sa ASAP ’09. Host din siya sa malaganap na programa ng TV5, ang Shall We Dance kasama si John Avila. Malaking tulong sila kay Lucy Torres sa show.

Kasama sa grupong Coverboys si Victor. Mga dal­awang linggo siyang mawawala dahil makaka­sama siya sa US Tour ng Star Magic bilang bahagi ng Coverboys.

Kahit hindi pa siya gaanong nakakagawa ng mov­ies, napansin agad ang talino niya sa pag-arte sa isa sa dalawang indie film na ginawa niya, ang Maling Akala at Xenoa 2.

Walang lovelife sa kasalukuyan si Victor. Dahil siguro sa wala siyang gaanong panahon.

* * *

Darating pala next month, July 5, mula California si Giselle Toengi. Isang buwan itong magba­bakasyon dito kasama ang kanyang mga anak bago siya tuluyang pumasok ng UCLA.

Nakapag-taping muna ito ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya sa San Francisco at nagdaos ng kanyang birthday nung June 14, dun din sa Tate.

vuukle comment

BROTHER JOHN

COVERBOYS

EMILIO GARCIA

GISELLE TOENGI

KUNG AAGAWIN MO ANG LAHAT SA AKIN

MAY BUKAS PA

NIYA

SHY

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with