Valeen tomboy ang pakiramdam
Kung gugustuhin ng apo ng dating matinee idol na si Mario Montenegro ay magkakasabay-sabay ang mga proyektong ginagawa niya sa Star Magic pero baka hindi naman niya matapos ang kanyang pag-aaral ng fashion design sa College of St. Benilde eh, pangarap din niyang makilala sa mundo ng fashion kung kaya nagkakasya na lamang si Valeen Montenegro na gumawa ng mga trabahong hindi makakaapekto sa kanyang studies. Isa’t kalahating taon na lamang naman at tapos na siya, puwede nang balansihin ang kanyang double life.
“As much as possible, gusto kong i-maintain ‘yung showbiz and non-showbiz life ko. Oo, masaya sa showbiz pero outside of it parang ordinaryo lang ang buhay, tahimik, hindi complicated, ang pinag-uusapan lang namin ng mga friends ko ay boys at kung saan kami kakain,” paliwanag niya.
Totoo nga siguro dahil sa showbiz, maski na ang simpleng pakikipagtambal niya ay nalalagyan ng kulay. Ni hindi siya puwedeng makipag-kaibigan nang hindi sinasabing may relasyon na sila.
“Eh naniniwala ako na kung may relasyon ang magka-loveteam o may MU sila outside of the cameras, hindi magiging maganda ang relationship nila, magiging magulo. Just like what happened sa amin ni Aldred (Gatchalian).
Now, she’d like her relationship with a 25 year old gym trainer to prosper pero just like her other relationships in the past, parang it is also doomed to fail.
“May tumawag sa akin telling me that he’s gay, as if naman it will matter to me if it’s true or not, but still I confronted him and he denied it. Later on, the caller said na nagbibiro lang siya.
“I really don’t mind kung bading siya. Akala ko rin dati magiging tomboy ako kasi mahilig ako sa sports. Hanggang ngayon feel ko, aura ko lang ang pagiging babae,”sabi niya.
After her kontrabida role sa Underage, naghihintay pa siya ng follow-up project from Star Magic pero nakatakda na niyang gawin ang pagiging kontrabida muli sa tambalang AljurAbrenica/Kris Bernal sa isang Regal Films project to be directed by Maryo J delos Reyes.
* * *
After his stint sa PBB season 2, hindi na umalis ng bansa ang Fil-Austrian na si Mickey Perz. Hindi na rin niya binalikan ang kanyang trabaho sa Switzerland bilang isang analyst. Instead ipinagpatuloy niya ang kanyang hilig sa pagsasayaw. Ngayon, unt-unti ay nakakamit niya ang katuparan ng kanyang pangarap na maging isang choreographer. Regular siya sa ASAP ’09 at isa sa choreographer ng Supah Dance Crew kasama sina Billy Crawford, Vhong Navarro at Rayver Cruz. Isa rin siyang in-house dance instructor ng Star Magic worshops para sa mga bata at teenagers.
Mayroon na ring dance school si Mickey sa Makati. Hindi lang dancing ang itinuturo niya rito kundi maging yoga at boxing.
- Latest