^

PSN Showbiz

Wendy tumangging mag-pose sa Playboy

- Veronica R. Samio -

Okay na sa napaka-kontrobersyal na PBB finalist na si Wendy Valdez na kakaunti ang nakukuha niyang projects, basta ang mahalaga sa kanya ay hindi siya nawawalan ng trabaho.

“Kapag matatapos na ang kung anumang ginagawa ko ay bigla na lang may dumarating na trabaho, ‘yun nga lang madalas biglaan, ora-orada. Pessimist ako, kahit hindi dapat, nagwo-worry ako agad, so far wala naman pala akong dapat ipag-alala, sabi ko nga hindi naman ako nawawalan ng trabaho,” saad ng sexy star na hindi na masyadong nararamdaman yung mga criticisms ng mga detractors niya.

Malaki ang nawalang timbang kay Wendy. Sadya ito, hindi siya nagkakakain ng kanin dahil tumaba raw siya habang ginagawa ang Betty La Fea. Pero sumobra naman ang payat niya kaya ngayon, nagpapataba siya ng konti.

After her fine performance in Betty La Fea, sasabak naman siya sa isang love story sa Bud Brothers. Dapat sila ni Joem Bascon ang magkapareha pero dahil nagtambal na sila sa Betty La Fea, ipinasya ng ABS-CBN na i-try namang ipareha sila sa iba. 

Wala pang nagagawang movie si Wendy. She was offered a role in Des­peradas before pero, hindi siya pinayagan ng ABS-CBN.

Nag-pose na siya sa cover ng isang men’s ma­ga­zine. May offer pa to pose for Playboy Phi­lip­­pines. Hindi niya ti­nang­gap dahil may im­pli­­cation ng pagiging nude.

Masaya ang lovelife niya with Bruce Quebral na nagtatrabaho bilang flight attendant sa United Arab Emirates.  


BETTY LA FEA

BRUCE QUEBRAL

BUD BROTHERS

JOEM BASCON

PLAYBOY PHI

SHY

SIYA

UNITED ARAB EMIRATES

WENDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with