^

PSN Showbiz

Ad agency naloka

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Naloka ang ad agency ng produktong ini-endorse ng isang maganda at mahusay umarte na young actress na gusto sanang maglagay ng tarpaulin sa showbiz event na kasama ang young actress. Hiningan kasi sila ng P170,000 ng in-charge sa event for a single tarpaulin na ilalagay lang naman sa door ng function room kung saan ginanap ang event.

Hindi ko na babanggitin ang produktong ini-endorse ng young actress, basta tarpaulin lang ang ilalagay na kadalasan naman, hindi napapansin ng press at ‘di nasusulat. Hindi na lang itinuloy ng ad agency ang planong paglalagay ng tarpaulin dahil masyadong namahalan sa hinihinging bayad.

* * *

Palaki nang palaki ang Dramarama Sa Hapon ng GMA-7 sa balitang ang susunod na ipi-feature ay sina Sunshine Dizon at Iza Calzado. Hindi sila magkasama sa isang soap dahil katatapos pa lang ng All About Eve, kundi magba-back-to-back ang dalawa.

Nababalita nang ang TV remake ng Tinik Sa Dibdib na ginawa ni Nora Aunor ang gagawin ni Sunshine at hindi ito ang first time na ire-remake niya ang mga pelikula ni Guy dahil una na niyang ginawa ang Bakekang.

Wala pa kaming balita kung anong project ang gagawin ni Iza, pero siguradong malaki rin at magpapalabas sa husay niyang umarte.

Ngayon pa lang, marami na ang naghihintay sa back-to-back nina Iza at Sunshine at inaabangan na rin kung sino ang makakasama ni Sunshine sa Tinik Sa Dibdib at gaganap sa role nina Phillip Salvador at Dina Bonnevie.

* * *

Dedma si Jake Cuenca sa mga intriga sa kanya pati ang nakakasirang bad breath issue dahil mas focus siya sa kanyang ‘mabangong career.’ Patuloy na pinapanood ang Tayong Dalawa, showing sa July 1, ang Villa Estrella at bida rin siya sa Pinoy adaptation ng Rubi na sila rin daw ni Shaina Magdayao ang magkapareha.

 “Masaya ako sa rami ng blessings na dumarating sa akin, pero malaki rin ang responsiblidad na ibinibigay sa akin ng ABS-CBN at ‘di ko sila bibiguin. I promise to give my 100 percent sa bawat trabahong binibigay sa akin,” pangako ni Jake.

Dapat kasama si Cristine Reyes sa Rubi, pero tinanggihan ng dalaga na dapat lang dahil after the “bad breath issue,” parang hindi magandang magsama uli sila habang hindi pa nakakapag-usap at nagkakapaliwanagan.

vuukle comment

ALL ABOUT EVE

CRISTINE REYES

DINA BONNEVIE

DRAMARAMA SA HAPON

IZA

IZA CALZADO

JAKE CUENCA

NORA AUNOR

TINIK SA DIBDIB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with