Pilian sa 'Next Big Star' 50/50
Labing-anim na lamang ang natira mula sa 40 na naglalaban-laban tuwing Sabado sa pinaka-bagong singing contest sa telebisyon, ang Are You the Next Big Star? ng GMA7 - Alex Castro, PJ Gonzales, Greggy Santos, Bobby Solomon, Anton Cruz, Jay Perillo, Justin Francis, Geoff Taylor, Francheska Farr, Camille Cortez, Shane Tarun, Rachel Gabreza, Cara Quiapos, Zyrene Parsad,Christine Allado at Alexa Ortega. Tumanggap sila ng pinaka-mataas na pinagsamang boto mula sa jury at judges na sina Danny Tan, Mon Faustino, Annie Quintos, Randy Santiago at Pops Fernandez.
Makikilala sila ngayon bilang Circle of 16.
Sampung linggo pa silang susubok sa mga hamon at dramatic transformations at public scrutiny hanggang may matira na lamang na anim na siyang maglalaban sa grand finale na kung saan isang babae at isang lalaki ang mananalo ng tig-isang GMA exclusive management contract, P1M mula sa SM Supermalls at condo unit mula sa Avida Land Corp.
Para makilala ng lubusan ang 16, kakanta sila ng live sa mga SM Malls, starting off with SM Valenzuela sa June 20. Magbibigay din sa programang SiS ng updates tungkol sa pakontes at sa mga contenders. Puwede ring mag-log on sa www.igma.tv/areyouthenextbigstar.
* * *
Nakatutuwa ang announcement ng GMA na sa pagpili ng mananalo, 50/50 ang botong manggagaling sa mga judges at text votes. Pakiramdam ko kasi, hindi makakapili ng karapat-dapat na winners hangga’t ang majority ng votes na magbibigay panalo sa sinumang contender ay magmumula sa text votes. Nakakalamang na naman ang may pera, ang maraming friends at kamag-anaks.
Kawawa naman yung mga purita mirasol (mahihirap) na magaling nga pero walang kakayahang itawid ang mga sarili nila sa mga paligsahan na nangangailangan ng pera. Kaya nga siguro hindi umaangat ‘yung maraming nanalo sa ganitong paraan dahil may ‘k’ nga sila pero, mas may ‘k’ yung natalo. Pero kasi maski na sa bansang mas malaki sa atin katulad ng Amerika ay nangyayari ang ganitong proseso. Wala tayong magagawa kundi ang tanggapin na ang ganitong kalakaran? Sana ma-spare sa ganitong hindi makatarungang pamamaraan ang The Next Big Star? Sana.
- Latest