^

PSN Showbiz

Vina pini-pictorial ang 2 buwang anak

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Excited sa pagkukuwento si Shaina Magdayao sa presscon ng Villa Estrella tungkol sa kanyang pamangkin na si Ceana, anak ng kanyang Ate Vina Morales.

“Cute na cute siya at kahit dalawang buwan pa lang ay pina-pictorial na ni Ate Vina, iba’t iba ang kanyang damit na isinusuot kaya tuwang-tuwa kaming lahat sa baby. Grabe talaga ang pag-aalaga at pag-aalala sa kanya ni ate,” share ni Shaina.

Mapalad ang taong ito para sa young actress dahil sa maraming blessings na natanggap niya.

Ratsada ang career ni Shaina mapa-telebisyon man o mapa-pelikula gaya ng Villa Estrella kaya nga tatlong oras na lang ang pahinga kapag umuuwi ng bahay. Halos hindi na sila madalas magkita ng nobyong si John Prats.

Pero sabi ni Shaina, nasanay man siya sa teleserye ay lagi pa rin siyang nagtatanong kay direk Rico Ilarde kung ano ang tamang reaksyon kapag may nakakatakot na mga eksena. Nagagampanan naman niya ng mabuti.

***

Happy naman si Jake Cuenca sa una niyang pelikula. Feeling ng aktor, talagang alagang-alaga siya ng ABS-CBN dahil malalaking role ang napupunta sa kanya, gaya ng Tayong Dalawa at Villa Estrella.

Kaya naman nakakapag-ipon na siya. Bukod sa condo unit nito sa Manda­luyong, naghahanap pa siya ng mas malaking condo na lilipatan.

Paborito ni Jake sina Pen Medina at Bembol Roco at sinabing pagbubutihin pa ang craft. Loveless siya ngayon at nakatutok muna sa trabaho. Magkaibigan pa rin sila ni Melissa Ricks at natutuwa siya sa magandang takbo ng kanyang career gaya ng Kambal sa Uma.

“Maswerte ang iibigin niyang lalaki dahil mabait si Melissa at positive thinker, bukod pa sa maganda,” sabi ni Jake.

Aware naman siya sa intrigang may halitosis siya na ikinalat daw ni Cristine Reyes. Ang nag-tsika ay mula sa isang staff ng produksyon na nagsisigawan umano ang dalawa sa isang eksena sa Bud Brothers at doon daw naamoy ng aktres ang bibig ng aktor.

Tinanong namin si Jake tungkol dito.

Sagot niya, “Hindi ako naniniwala na si Cristine ang nagkalat ng tsismis tungkol sa akin. Close kami bilang magkaibigan at malaki ang tiwala ko sa kanya. Hygienic ako at ’di pinababayaan ang aking katawan pagdating sa kalinisan. ’Di ako apektado ng tsismis dahil hindi naman totoo. Positibo akong tao at ’di apektado ng kontrobersiya. Pagbutihan ko na lang ang pag-arte.”

Kung ganoon, sino kaya ang naninira kay Jake?

***

Gaano naman kaya katotoo ang balitang kasali dapat si Ryan Eigenmann bilang isa sa mga celebrity boxers na sasagupa sa programang Warriors pero bigla siyang hindi nakasali dahil binigyan pala siya ng tiket papuntang Amerika ng kanyang inang si Gina Alajar?

Siguro ayaw ng kanyang mother dear na maki­ tang nakikipag-umbagan ang anak, ’di ba?

Napanood kahapon ang Celebrity Boxing sa programang Warriors sa direksyon ni Richard Arellano. Nadagdag sa listahan ng mga suma-   gupa si Christopher Roxas na labag sa loob ng asawang si Gladys Reyes pero wala ring nagawa sa gusto ng asawa.

vuukle comment

ATE VINA

BEMBOL ROCO

BUD BROTHERS

CELEBRITY BOXING

CHRISTOPHER ROXAS

CRISTINE REYES

GINA ALAJAR

SHAINA

SIYA

VILLA ESTRELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with