^

PSN Showbiz

Vic Sotto at Pia Guanio nagbalikan agad!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Kung inaakala ng marami na enjoyable gumawa ng love scene sa pelikula, tanungin n’yo lang si Marco Alcaraz at sasabihin niyang isa sa pinaka-mahirap na eksenang ginawa niya ay yung dalawang love scenes niya sa Pitik Bulag na kung saan ay nakita ang kanyang pwet. Hubo’t hubad daw siya sa nasabing eksena matangi sa plaster na ipinangtakip niya sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Hindi naman dahil sa bano si Marco, pero first time niyang gumawa ng ganung eksena. Mas nakakahiya pa nga raw dahil ang maganda niyang ka-eksena ay walang kakaba-kaba at siya pang nag-guide sa kanya sa kanilang eksena.

It takes a real good actor na gawin ang ganun kaselang eksena. At gustong isipin ni Marco na naipasa niya ang nasabing eksena.

***

Tingnan mo nga naman ang balita, sinasabing nag-break na sina Vic Sotto at Pia Guanio pero agad nagkabalikan. ’Di naman ako maniniwala. Hindi na sila mga teenager na madaling magbago ng isip, both Vic and Pia are mature na para malampasan ang mga pagsubok na hahamon sa kanilang relasyon. Alam kong hindi manggagaling ang break up kay Pia. Sa tagal ng kanilang relasyon, parang naka-adjust na siya sa kanilang relasyon. Puwera naman kung may bago na namang nakita si Vic which I doubt very much dahil nakikita ko kung gaano sila ka-seryoso sa isa’t isa.

Isa lamang ito sa mga intriga ng showbiz na naglalayong magbigay ng kulay at buhay sa hindi matapus-tapos na isyu ng sex video scandal.

Ang isyung paghihiwalay ng dalawa ay magandang pambalanse sa walang kabuhay-buhay na takbo ng local showbiz. Bukod dito, merong ginagawang pelikula si Vic, ang LOL (Love On Line) ka-partner ang modelong si Paula Taylor kaya marahil nilalagyan siya ng isyu which I believe is unfair dahil ang movie should be promoted by its merits at hindi ng kung anu-anong gimik, ’di ba?

***

Aba, mukhang may namumuong romansa sa Brazilian model na si Daiana Meneses at Carlo Guevara. Madalas daw makitang magkasama ang dalawa sa mga lakaran. At sa malas, hindi naman nila itina­tago kung anumang relasyon meron sila. sinasabi pa nga nila na enjoy sila sa company ng isa’t isa. Good for them, wala naman siguro silang nasasaktan sa kanilang ginagawa. Nag-i-enjoy lang sila.

Sa maikling panahon na itinigil ni Daiana sa bansa, nagawa niyang mapamahal sa puso ng mga Pinoy, siguro dahil hindi naman mayabang ang dating niya, mahiyain pa nga siya. Nakakagiliw din yung mabilis niyang pagkakatuto ng Tagalog.

Sabi ni Daiana, okay sa kanya ang makapa­ngasawa ng isang Pinoy, si Carlo na kaya ito? Abangan na lamang natin ang kahihinatnan ng kanilang paglabas-labas. Baka nga naman may kalalabasang maganda ito.

CARLO GUEVARA

DAIANA

DAIANA MENESES

LOVE ON LINE

MARCO ALCARAZ

NAMAN

PAULA TAYLOR

PIA GUANIO

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with