Kahit dalawa na ang reklamo ng pambabastos, Baron may pelikula pa rin
MANILA, Philippines – Kasama pala si Baron Geisler sa cast ng Nandito Ako, ang launching movie nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa Regal Entertainment. Nalaman namin ito kay direk Maryo J. delos Reyes na director ng movie at manager ni Baron na nakatsikahan namin sa premiere ng Kamoteng Kahoy. Sa June 23 ang start ng 15-shooting days sa iba’t ibang parte ng Bohol and hopefully, matapos ang movie na walang controversy.
Tuluy-tuloy din ang project ni Baron at katunayan, sabay ng premiere ng Kamoteng Kahoy ang premiere ng pelikula nito at ni Yul Servo na Forgotten War sa CCP. Ang ibang tanong tungkol kay Baron ay hindi na sinagot ni direk Maryo.
Samantala, nagsimula nang mag-taping si direk Maryo ng Rosalinda last Wednesday sa Taal, Batangas. Kahit si direk Maryo, hindi pa alam kung sinong aktres ang gaganap sa role ni Fedra, ang kontrabida at hinihintay ang desisyon ng GMA-7.
* * *
Masaya si Billy Crawford sa bagong album niyang Groove dahil nag-number five sa charts two weeks ago at tiyak na tataas ‘pag nalaman kung gaano kaganda ang 16-track album under Universal Records. Remake ng ‘70s and ‘80s hits ang album with Steal Away and Rock With You as its first and second single ng kanyang album.
Mapo-promote ng husto ni Billy ang album dahil dito na siya based at pabalik-balik na lang sa USA at France at between October and December pa siya babalik sa France. Kasama si Nikki sa mga rason sa desisyon nitong manatili sa bansa, at ang career na maganda ang takbo. Kahapon, pumirma siya bilang bagong endorser ng Unisilver at may dalawa pa siyang bago at malalaking endorsements.
Magtatayo rin ng music production si Billy katulong ang mga kaibigang American musicians na bilib sa talino ng mga Pinoy. Tatawagin nila itong ATM o Addicted To Music, magtatayo sila ng recording studio, susulat at aareglo ng kanta at didiskubre ng talent. (Nitz Miralles)
- Latest