Kapilyuhan ni Joey umiral kay Rosanna
The greatest challenge na nga yatang maituturing ni Lolit Solis sa kanyang career as a showbiz person ay ang pagiging publicist, this time for opposing camps, those of Dra. Vicki Belo’s and Katrina Halili.
Even before the sex video scandal broke out, kinuhang publisista ni Katrina si ’Nay Lolit who taps on her select group of writers na siya ring nagpi-PR for a number of her clients sa loob at labas ng showbiz.
Even much ahead, ’Nay Lolit has been doing PR work for Vicki’s chain of companies.
But with the recent development in Katrina’s quest for justice, idinawit na rin siya ni Vicki as one of the alleged perpetrators in the proliferation of the sex video, this despite Katrina’s being part of Vicki’s roster of her company’s endorsers.
In effect, nilalagay tuloy sa alanganin ang posisyon ng common publicist nina Vicki at Katrina sa katauhan ni ’Nay Lolit.
If I may borrow a line from a Karen Carpenter song, it appears that ’Nay Lolit is ‘‘caught between the devil and the deep blue sea.’’ (FYI Ateng. Sinabi ni ‘Nay Lolit na hindi siya publicist.
* * *
Nobody can beat Joey de Leon when it comes to kapilyuhan.
Palibhasa’y trademark na ni ’Nay Lolit to stick out her tongue while hosting on Startalk ay pagdila rin ang kanyang isinagot sa pagdila ni Rosanna Roces nang hingan ng komento tungkol sa kinasasangkutan ng kanyang dating manager.
Dila nga sa dila ang patutsadang ’yon sa pagitan ng dalawa, to which ang pabirong sabi ni Tito Joey: ‘‘Buti nga dila lang ang ipinakita n’yo,’’ referring to their pagbebelatan.
Kailangan pa bang sabihin ni Tito Joey kung anong bahagi ng katawan nina ’Nay Lolit at Osang ang hindi nila dapat ipinakita?
- Latest