^

PSN Showbiz

Piolo pumayag magpa-paint nang nakahubo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Matu-turn off ang may crush sa maganda at sek­sing aktres na ito ’pag nalaman kung paano siya mag­mura. Kahit binasa lang sa amin ang text messages nito na pang-aaway sa isang co-star sa isang show, parang nabingi kami sa lutong nitong magmura. May pagka-palengkera ang hitad at nai-imagine na namin kung paano siya makipag-away off camera.

Inaway nang malutong magmura na aktres ang kasama sa show sa pag-aakalang ito ang pasimuno nang paninira sa kanya sa iba nilang kasama. Gayong kahit hindi siraan, nabuking din ang pangit nitong ugali dahil pati EP ng kanyang show ay inaway niya.

Ayaw na lang patulan ng mga kasama sa show ang aktres at ang iba’y nagpipigil lang, pero pasasaan ba’t lalabas din ang mga kagagahang pinaggagawa nito. Ang malaking ebidensiya kung paano niya ina­away at minumura ang mga kasama ay ang kanyang mga text messages.

Sabagay, hindi pa-wholesome at pa-sweet ang image ng aktres at maldita pa nga ang dating sa tao, pero nagbibida siya. Shocking lang ang nadiskubre naming ugali niya.

* * *

Pumayag na pala si Piolo Pascual na i-paint siya ng topless at gagawin ito sa Obra ni Nanay Gallery ni Cristy Fermin pagdating niya mula sa show ng ABS-CBN talents sa Amerika.

Ang grupo nina Jun Martinez, Nick Masangcay, Gene de Loyola, Vic Pacheco, at Roland Santos ang sinuwerteng pinayagan ng aktor na i-paint siya.

May mga gustong mag-sit in habang iginuguhit si Piolo para malapitan nilang makita ang ganda ng katawan nito, kaya lang bawal yata.

Hintayin na lang daw na matapos ang painting na, for sure, mai-exhibit sa gallery. Ang ’di pa namin alam ay kung for sale ang painting ng aktor na tiyak marami ang bibili.

* * *

Kararating lang ni Erik Santos last Saturday from the States kung saan ni-record niya ang bagong album sa Star Records na produced ng world-class singer-composer na si Jim Brickman. Sa studio mismo ni Brickman sa Long Angeles ni-record ang 10-track album na binubuo ng mga compositions ni Brickman.

Pinamagatang Erik Santos Sings Brickman na maglalaman ng dati at bagong compositions ni Brickman.

Napanood daw ni Brickman si Erik sa YouTube na kinakanta ang Your Love ng Alamid at inakalang ang Your Love na kanyang composition ang kinanta nito. Nagka-interes ito at nakipag-coordinate sa Star Records. Kahilera na si Erik nina Lea Salonga, Martin Nievera, Pops Fernandez, Ariel Rivera, Agot Isidro at Sharon Cuneta na nauna nang nakipag-collaborate kay Brickman. Sa July ang target release ng album ni Erik.

* * *

Masaya na naman ang mga taga-APT Entertainment at DGPI dahil graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa Kamoteng Kahoy, pang-lima sa Sine Direk Series movies na sunud-sunod na ipinalabas. General Patronage naman ang classification ng MTRCB kaya mapapanood ito ng mga bata.

Sa speech ni direk Maryo J. delos Reyes bago ang screening ng movie sa UP Film Center, nakuwento nitong ipinaglaban niyang mabigyan ito ng GP ng MTRCB at nakiusap na kung magugustuhan ang Kamoteng Kahoy na showing na kahapon pa, ay ipamalita para mas marami ang manood at matulungan ang local industry.

Bida ng pelikula at nagpakita ng husay sa pag-arte sina Nash Aguas at Robert “Buboy” Villar at above the title ang billing nila ha! Kasama rin sina Ms. Gloria Romero, Yul Servo, Ana Capri, Gerald Madrid, Meryll Soriano, Irma Adlawan, Marissa Sanchez, Sharlene San Pedro at marami pang iba.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ANA CAPRI

ARIEL RIVERA

BRICKMAN

CINEMA EVALUATION BOARD

ERIK

KAMOTENG KAHOY

STAR RECORDS

YOUR LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with