'Hindi ako publicist ni Katrina'
Nakita ko ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa Edsa Shangri-la Hotel noong Martes.
May meeting yata ang mag-asawa dahil bihis na bihis si Manny pero hindi ko lang alam kung sino ang kanilang mga kausap.
Basta ang alam ko, si Manny ang endorser ng sosyal na Victorinox watches. Hindi lang ako sure kung kailan siya ilo-launch.
Na-feel ko ang generosity nina Manny at Jinkee dahil pumayag sila na harbatin ko ang isa sa tatlong relo na dala-dala nila. Thank you Manny! Thank you Jinkee!
* * *
Tumawag sa akin noong Martes si Sec. Ronnie Puno ng DILG. Nagpasalamat si Papa Ronnie dahil sa mga nabasa niya tungkol sa presscon na kanyang ipinatawag noong Lunes.
Lalong napalapit sa puso ni Papa Ronnie ang entertainment press. Malaki raw ang naitulong ng mga showbiz reporter para maiparating niya sa madlang-bayan ang kanyang mga saloobin.
Bumilib ako kay Papa Ronnie dahil nabasa nito ang lahat ng mga diyaryo na naglabas ng mga sinabi niya sa presscon na kanyang ipinatawag.
* * *
Sa mga nagtatanong sa akin kung ako ang publicist ni Katrina Halili, hindi ang aking sagot.
Inisip yata ng ibang tao na ako ang publicist ni Katrina dahil ako ang namahala sa kanyang presscon na dalawang beses na ginanap noon sa Via Mare Restaurant sa Morato, QC.
Nagkaroon noon ng presscon si Katrina, bago siya nasangkot sa sex video scandal nila ni Dr. Hayden Kho, Jr.
Pumayag ako na i-handle ang presscon ni Katrina dahil hindi ko mapahindian ang kanyang manager na si Rommel Gacho.
Parang anak ang turing ko kay Rommel dahil matagal na kaming magkasama sa Startalk.
At dahil si Rommel ang naglambing sa akin, hindi ko siya tinanggihan. Nagtaka ako dahil mula nang sumiklab ang sex video scandal, publicist ni Katrina ang tawag sa akin.
Nililinaw ko ang isyung ito para hindi ma-confuse ang mga tao. Tinulungan ko lang si Katrina para sa kanyang dalawang presscon. No more, no less.
At kung tatanungin ako tungkol sa relasyon ko ngayon kay Dra. Vicki Belo, magkaibigan pa rin kami. Walang nabago sa aming friendship itsurang open na open ako sa pagbatikos sa mga kalokohan na ginawa ni Hayden.
Alam ni Dra. Belo na kahit ano ang mangyari, kakampi niya ako. Hindi ako naniniwala sa mga paninira na siya ang mastermind sa pagkalat sa Internet ng mga sex video ni Hayden.
* * *
Hindi pa kami nagkakausap ni Dra. Belo mula nang dumating siya noong Martes, galing sa Paris.
Ayoko munang kulitin si Mama Vicki dahil alam ko na busy siya sa pakikipag-meeting sa kanyang abogado dahil sa kaso na isinampa ni Katrina laban sa kanya.
Tiyak ko naman na magsasalita si Mama Vicki sa tamang panahon at oras. Walang dahilan para iwasan niya ang imbestigasyon sa sex video scandal dahil inosente siya sa kasalanan na ibinibintang sa kanya.
Knowing her, gustung-gusto na ni Mama Vicki na matukoy ang mastermind ng pagkalat sa Internet ng mga sex video ni Hayden para magkaroon na ito ng closure at hindi na madamay ang ibang mga tao na walang kinalaman at kasalanan.
- Latest