^

PSN Showbiz

Bagets na anak ng ex-showbiz couple lihim na ikinasal

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May nagkuwento sa akin na napaluha na naman si Lorna Tolentino nang magpunta ito sa Middle East noong Lunes para sa premiere showing doon ng Katas ng Saudi.

I’m sure, nag-melancholia na naman si LT dahil naalaala niya si Rudy Fernandez. Nasanay na kasi si LT na palaging kasama si Daboy kapag pumu­punta sila sa ibang bansa.

Eh emosyonal si LT, lalupa’t nagbabang-luksa sila ng kanyang pamilya noong Linggo dahil one year na mula nang mamatay si Daboy. 

Totoo ang sinasabi ng mga nawalan ng mahal sa buhay na habang tumatagal, lalo nilang nara­ramdaman ang pagkawala ng isang minamahal. Ganitung-ganito ang pakiramdam ni Lorna. Walang araw at oras na hindi niya naiisip ang kanyang asawa.

* * *

Sa Dubai at Kuwait ang premiere showing ng pelikula nina LT at Senator Jinggoy Estrada.

Pero si LT lang ang pupunta sa Kuwait dahil hindi nabigyan ng visa si Jinggoy. Ganyan kahigpit sa Kuwait. Senador na si Jinggoy at dating anak ng pangulo ng Pilipinas pero hindi pa rin siya pinagkalooban ng visa ng Embassy of Kuwait. Kung bakit, ‘yan ang aking aalamin at iimbestigahan.

* * *

Iimbestigahan ko rin ang katotohanan sa tsismis na lihim na ikinasal ang anak na lalake ng dalawang sikat na artista na matagal nang hiwalay.

Nagulat ako nang malaman ko ang balita dahil bagets na bagets pa ang anak ng ex-showbiz couple na tinutukoy ko o baka naman, bagets pa rin ang tingin ko sa kanya dahil nasubaybayan ko ang paglaki niya mula nang ipanganak siya.

Kung true man na nag-asawa na ang bagets, nagmana talaga siya sa kanyang ama na maaga ring nag-asawa. Ang wish ko lang eh magtagal ang relasyon ng bagets at ng kanyang misis at ‘yon eh kung totoo nga na nagpakasal na sila. Huwag sana siyang matulad sa kanyang mga magulang na halos umabot sa langit ang pagmamahalan noon pero nauwi rin sa paghihiwalay.

* * *

Matutuwa si DILG Secretary Ronnie Puno kapag nalaman nito na bilib na bilib sa kanya ang entertainment press.

Ang sey nila, ginawa ni Papa Ronnie ang homework nito dahil nasagot niya ang mga showbiz-related questions sa presscon na ginanap noong Lunes.

Naloka ang mga reporter dahil kilala ni Papa Ronnie ang mga bagets na artista at may sagot siya sa mga tanong tungkol kay Gretchen Barretto na matagal nang nali-link sa kanyang kapatid na si Dodie Puno.

Medyo kabado si Papa Ronnie nang maupo siya sa presidential table pero nang tumagal, naging komportable na siya sa piling ng mga reporter. Hindi uso sa kanya ang mga off-the record na sagot.

Kakandidatong Vice-President si Papa Ronnie sa 2010 elections. Alam n’yo ba ang initials ng kanyang name? RVP! O di ba, very vice –presidentiable?

* * *

Hindi maganda para kay Cristine Reyes ang pagkakaroon niya ng pasaway na image. Hindi nakakatulong sa kanya ang mga negative story dahil apektado ang mga katrabaho niya sa ABS-CBN.

Eh ganyan din ang isyu noong umalis si Cristine sa GMA. Nagkaroon din siya ng image na pasaway kaya hindi na naghabol ang Kapuso network nang mag-ober da bakod siya sa ABS-CBN.

Type ko ang pagiging hindi ‘showbiz’ ng ugali ni Cristine pero hindi ko type ang mga nega news na nababasa ko dahil magalang na bata ang pagkakakilala ko sa kanya.

CRISTINE

CRISTINE REYES

DABOY

DAHIL

NANG

PAPA RONNIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with