Hong Kong star na may sex scandal mas sincere na nagsisi kesa kay Hayden
Hindi nakaligtas si DILG Sec. Ronaldo Puno sa intriga ng showbiz nang magpatawag si ’Nay Lolit Solis ng maliit na presscon para sa kanya.
As in kahit anong pigil ni ’Nay Lolit, nakalusot pa rin ang ilang intrigang tanong partikular na ang tungkol kay Gretchen Barretto.
Common knowledge sa showbiz na ‘muntik’ nang maging miyembro ng pamilya Puno si Gretchen nang umano’y mag-offer ng kasal ang kapatid niyang si Dodie Puno sa aktres na may karelasyong iba.
Pero hindi naman siguro magsisinungaling si Sec. Puno na huli pa niyang nakita at nakausap ang aktres ay noong nagsisimula pa lang ito sa showbiz as in matagal na panahon na kaya hindi naman pala totoong nadala na si Gretchen sa mga gatherings ng kanilang pamilya.
At kahit bali-baliktarin ang tanong, walang napiga kay Sec. Puno tungkol kay Gretchen.
Favorite niya sa actor ang kambal na sina Richard and Raymond Gutierrez dahil nakakasama niya ang kambal noong mga bata pa ang mga ito.
Sina Boots Anson Roa, Marian Rivera, Sarah Geronimo, at Bea Alonzo ang mga paborito niyang artista.
Anyway, read n’yo ang column ni ’Nay Lolit at mas marami siyang kuwento tungkol sa kanyang bagong ‘alaga.’
* * *
Si Hayden Kho, Jr. ang naalaala ko habang pinapanood sa Talk Asia (CNN, hosted by Anjali Rao – replay episode na) ang interview ni Edison Chen, ang Hong Kong actor-singer na nasangkot sa sex scandal.
Kinukuhanan ng mga pictures ni Edison Chen ang pakikipag-sex sa at least anim na babae na kumalat sa Internet last year.
Starlet ang mga kasama niya sa nasabing sex photos.
Ang kaibahan sa ginawa niya kay Hayden, mga pictures lang ang kay Edison Chen, eh ang kay Hayden, sex videos.
Sobrang malalaswa rin ang kuha ng nasabing actor-singer na Canadian-Chinese.
Nakulong ang nag-upload sa Internet ng mga nasabing mga litrato na isang computer technician sa Hong Kong ng eight-and-a-half months sa pagnanakaw ng halos 1,300 sexually explicit pictures ng actor-singer.
Naging malaking iskandalo ang nasabing mga malalaswang litrato ni Edison habang nakikipag-sex sa mga Hong Kong starlets: Cecilia Cheung, Bobo Chan at Cantopop star Gillian Chung ng pop duo na Twins.
Ang nasabing interview sa CNN ang first time niyang magsalita pagkatapos ng malaking iskandalo.
Sinasabi niyang “I believed I was a victim. I believed that I was hurt by this a lot. I believed that I knew that I had nothing to do with the spreading of these photos,” sabi niya na parang narinig kong naging dialogue ni Hayden.
“I can’t say I didn’t do anything wrong. I’ve admitted that I was wrong, and I wouldn’t say sorry if I wasn’t wrong. But I also believe that at the same time that I wasn’t the perpetrator, and I had suffered a lot from this as well.”
Kwento pa ng Hong Kong actor na involved sa seryosong relasyon nang lumabas ang mga pictures last year na kuha niya simula pa noong 2004.
Nakabalik na sa Hong Kong si Edison matapos siyang mamalagi sa Canada pagkatapos ng matinding sex scandal na naging malaking issue sa Asia.
Halos magkapareho ang kwento nina Edison at Hayden. Pero mas maraming exciting na twist si Hayden. May issue ng drugs. At mas malala dahil video. Actual mong papanoorin. Eh at least ito, pictures lang na hanggang ngayonº ay nasa Internet pa at nagkalat ang mga sobrang laswang mga kuha niya.
Ang kaibahan, may sincerity sa mukha ni Edison ng pagsisisi at walang involved na droga. Hindi rin nakialam ang nanay niya.
At least hindi nag-iisa si Hayden sa issue ng sex scandal.
Si Edison ay napanood sa mga pelikulang Infernal Affairs, The Grudge 2, at may cameo role siya sa The Dark Knight.
- Latest