Jolina 'di nanghihinayang sa walong taon
Sino ang mag-aakala na ang isang teleserye, na pinagbibidahan ng bata na bago, ang May Bukas Pa, at kakaunti lamang ang nakakakilala, ay maghahari sa primetime television. Base sa records ng TNS, mula nang umere ang teleserye na pinangungunahan ng batang mas kilala ngayon sa pangalang Santino kesa sa tunay niyang pangalan noong Pebrero ay hindi na natinag sa kanyang pangunahing posisyon. Ito ang kauna-unahang programa na na-hit ang 40% audience share. Umabot pa ito ng almost 42% nitong mga nagdaang araw.
Ayon sa Adprom Head ng ABS CBN na si Biboy Arboleda, nakaka-relate ang manonood sa paniniwala ni Santino kay Bro. At malaking factor ang talaga namang pagtatampok nito ng malalaking Kapamilya stars bilang guests.
Katunayan, hanggang ngayon sa rami na nang naging bisita sa teleserye, itinuturing ni Santino na pinaka-paborito niya si Lorna Tolentino na akala ng character niya sa serye ang siya niyang tunay na ina.
“Ang galing-galing po niya, tinuruan niya ako kung paano madaling umiyak. Wala po kasi kaming ginawa nun kundi umiyak nang umiyak,” kuwento ni Zaijian Jaranilla, ang tunay na pangalan ni Santino.
Linggu-linggo, iba’t ibang artista ang napapanood sa May Bukas Pa. Dagdag pa ni G. Arboleda: “It’s like watching a weekly drama special nightly”.
At base muli sa record, ito ang natatanging serye na kung saan gumanap ng makabuluhang papel ang ilan sa pinakamahuhusay na artista sa pelikula at TV, tulad nina Ms. Susan Roces, Gabby Concepcion,Claudine Barretto, KC Concepcion, Anne Curtis, Cristine Reyes, John Estrada, Boots Anson Roa. Dante Rivero, Robert Arevalo, Mark Bautista at ang nagbabalik-telebisyon na si Johnny Delgado. Ito ay bukod pa sa malalaking artista na kasama sa cast - Albert Martinez, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Dominic Ochoa, Jaime Fabregas, Arlene Muhlach, Precious Lara Quigaman, Ogie Diaz at ang dalawang kabataang artista na nagpapakilig hindi lamang sa lahat ng manonood kundi maging kay Santino rin, sina Maja Salvador at Rayver Cruz.
Ang May Bukas Pa ay mula sa direksiyon nina Jerome Pobocan at Jojo Saguin at napapanood gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.
* * *
Nag-aanyaya ang pangulo ng The Association of Twins & Multiple Births (ATMB) na si Ms. Natalie Palanca at Pro-Life Philippines sa lahat ng twins at multiple births sa isang special gathering sa June 12, Friday, sa Holy Family Parish Church, East Capitol Church, Brgy. Capitolyo, Pasig City.
Isa itong buong araw ng fun and activity para sa lahat ng mga kambal at multiple births at maging ang kanilang mga magulang.
Magiging ispesyal na panauhin sina Ms. Menchu Sarmiento ng Zonta Club of Ortigas at Ms. Jecelyn Cabangon, isang awardee ng ATMB.
Nagsimula na ang registration nung June 1 sa Pro-Life Phils at sa mobile #0909-3042451, 6923794. Puwede ring mag-email sa [email protected] o www.atmb.org.ph
* * *
Sinabi ni Jolina Magdangal na masaya na siya ngayon at bagaman at hindi maiiwasan na paminsan-minsan ay bumalik sa kanyang alaala ang masasayang sandali nila ng kanyang ex na si Atty. Bebong Muñoz, wala na siyang pait o panghihinayang na nararamdaman sa kinahinatnan ng kanilang walong taong relasyon.
“Kinondisyon ko lamang ang sarili ko na kailangan ko nang mag-move on, hindi ko kailangang magmukmok ng matagal, ayun naramdaman ko na lang na okay na ako,” pagmamalaki niya.
When asked kung tatanggapin pa niya ito kapag bumalik sa kanya, sinabi niyang “Hindi na lang siguro, okay na ako. I’ve just started to go out, masisira lamang ang process ng healing ko.”
Malaking tulong sa mabilis na recovery ni Jolina ang marami niyang pinagkakaabalahan. Araw-araw siyang napapanood sa Unang Hirit, tuwing Linggo, nasa SOP siya’t Dear Friends, simula sa Lunes, gabi-gabi na siya sa Adik Sa ‘Yo, bagong sitcom ng GMA 7.
- Latest