^

PSN Showbiz

Sarah 'di kayang pormahan ni Mark

- Veronica R. Samio -

Marami ang nag-aakala na kaya iprodyus ni Dr. Manny Calayan ang sarili niya ng isang music album.

 Hindi ito totoo, at kahit wala namang nakikitang masama ang pamosong aesthetic surgeon, sinabi niya na ang Bellhaus Entertainment, Inc. na pinamu­munuan ni Jeff Tan, anak ng may-ari ng Universal Records, ang nasa likod ng pagiging recording artist niya.

“Last year pa namin siya kinukuha but dinedma niya yung first e-mail namin sa kanya. Nakita ko ang passion niya for singing nang sumali siya sa Celebrity Duets, mayroon siyang fire, may dating sa masa, so we e-mailed him again, dun nakakuha na kami ng response from him,” ani Jeff who admitted na this early may nakaplano na agad silang second album for Doc Manny.

Hindi man kasing galing si Doc Manny ng maraming recording stars ngayon, second to none ang kinuha para makasama niya sa album. Tulad nina Martin Nievera (Through the Years), Pops Fernandez (You’ve Got a Friend), Pilita Corrales (In My Life), Faith Cuneta (That’s What Friends Are For), Jay-R (With A Little Help From My Friends), Jed Madela (Lean On Me) at ang Soul Sensation na si Brenan Espartinez (I’ll Be There). May number si Doc Manny with his two daughters Bernice and Andrea (For You I Will).

 Sayang at wala sa album launch si Dr. Pie Calayan na bukod sa nagpapagamot sa US ay inaasikaso pa ang pag-aaral ng kanilang panganay na si Hannah. Most of the songs in the album ay dini-dedicate ni Doc Manny sa kanya.

Released na ang album simula pa ng June 1, mabibili ito sa mga leading record bars at ganundin sa lahat ng Calayan clinic. 

* * *

Katulad ng nakasabayan niya sa Pinoy Pop Superstar Season 1 na si Jonalyn Viray na bahagi ng napakagaling at mabilis na sumisikat na grupong La Diva, umuusad na rin ang career ni Brenan. May ginawa itong debut love album sa ilalim din ng parehong record company at nagtatampok sa bersyon niya ng Forevermore ng Side A at ang ’Di Nagpaalam na ginagamit na theme song ng Koreanovelang Chill Princesses ng GMA 7. Kasalukuyan nang naririnig sa maraming istasyon ng radyo ang unang single niya from the album na I’m Yours & You are Mine.

Pitong taon lamang si Brenan nang unang mag-record ng isang theme song, ang Munting Bayani. Nakasali siya sa grupong Kaya na pinamamahalaan ni Maestro Ryan Cayabyab at BMG Records Pilipinas (1991-2001).

Kamakailan tumanggap siya ng 2009 Best Male Artist of the Philippine Digital Music and Short Film Festival Award. His other achievements include Himig Handog na grand winner siya at naging gold medallist sa 10th Annual World Championships of World Performing Arts sa Hollywood, USA. Napapanood siyang madalas sa SOP, Eat Bulaga, Mel & Joey, SiS, Unang Hirit, at Maynila.

* * *

Talaga sigurong wala pang nakikitang mamahalin si Sarah Geronimo dahil bukod sa nabasted sa kanya sina Ronnie Liang at Mark Bautista ay dedma pa rin siya sa nababalitang tensyon sa pagitan nina Mark Herras at Rayver Cruz.

Gusto man siyang ligawan ni Mark ay hindi nito magawa dahil tinitiyak pa nito kung hindi niya maapektuhan si Rayver na hindi rin makaporma kay Sarah siguro dahil kundi man intimidated sa Pop Princess ay takot naman sa Mommy Divine niya.

ALBUM

ANNUAL WORLD CHAMPIONSHIPS OF WORLD PERFORMING ARTS

BE THERE

BELLHAUS ENTERTAINMENT

BEST MALE ARTIST OF THE PHILIPPINE DIGITAL MUSIC AND SHORT FILM FESTIVAL AWARD

BRENAN

BRENAN ESPARTINEZ

CELEBRITY DUETS

DOC MANNY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with