^

PSN Showbiz

Pauleen 'di masugalan ng GMA

RATED A - Aster Amoyo -

May dalawa o tatlong taon na ring hiwalay ang estranged couple na sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas.  Magmula nang maghiwalay ang dating mag-asawa ay isang beses pa lamang nadalaw ni Yilmaz ang kanyang ex-wife at dalawang anak na sina Lorin at Venice.

Ibinalita ni Ruffa na nakatakdang dumating ng Pilipinas si Yilmaz para dalawin ang dalawang bata na mahigit isang taon na ring hindi niya nakikita.

Samantala, sa kabila ng pagdi-deny ni Ruffa na may ‘something’ na namamagitan sa kanila ng young actor na si John Lloyd Cruz ay saka naman nagiging persistent ang pagkaka-link sa kanilang dalawa. Mas matanda si Ruffa ng ilang taon kay John Lloyd pero isyu ba ang edad kung saka-sakali? Ilan na ba sa ating mga female celebrities ang mas bata ang nakakarelasyon at napapangasawa? 

* * *

Pino-proseso na ang legal adoption papers ni Yohan para tuluyan na itong maging Agoncillo. Sa ngayon kasi ay gamit pa nito ang apelyido na Santos dahil hindi pa naman kasal noon sina Juday at Ryan nang i-adopt si Yohan.

Si Yohan ang magsisilbing panganay ng bagong mag-asawang Ryan at Juday. Ngayon pa lamang daw ay excited na itong magkaroon ng kapatid.

* * *

Bongga ang ginawang press launch ng pinakabago at kakaibang romantic comedy series ng GMA, ang Adik sa ‘Yo na ginanap sa Oasis, Quezon City nung nakaraang Miyerkules ng gabi na Filipiniana ang tema. Itsurang Flores de Mayo sa Hunyo ang nangyari at tinampukan ng mga bumubuo ng cast na pinangunahan nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Dennis Trillo, at Jennica Garcia, Pauleen Luna at marami pang iba.

Napakaganda ni Pauleen ng gabing ‘yon at nagtataka kami kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nabibigyan ng break ng GMA 7 sa mga lead roles. Isa kami sa naniniwala na kung susugalan lamang ng GMA 7 si Pauleen sa isang major project, tiyak na makakagawa na naman sila ng isang big star.

* * *

Hindi na umabot sa kasalan ang relasyon at pagsasama nina Mickey Ferriols at Archie Alemania sa kabila ng kanilang pagkakaroon ng anak. May ilang buwan na ring hiwalay ang dalawa na may kung ilang taon ding nagsama.

Kung hindi sana nagkahiwalay sina Mickey at Archie, plano na sana nilang magpakasal sa isang taon. Posible pa kaya silang magkabalikan? Ayaw magsalita ng ex-couple. Pero sa kabila ng kanilang paghihiwalay, nanatili silang magkaibigan at malayang nahihiram ni Archie ang anak nila ni Mickey.

Samantala, dapat siguro’y magpapayat nang husto si Mickey dahil sayang ang kanyang ganda. Ma­ka­kabalik pa si Mickey sa showbiz kung tutulungan niya ang kanyang sarili. Bukod sa pag-aartista, pu­wedeng balikan ni Mickey ang kanyang hosting job.

* * *

Personal: Belated happy birthday sa aking kapatid na si Estrella Amoyo-Anabeza last June 3.

ARCHIE ALEMANIA

DENNIS TRILLO

ESTRELLA AMOYO-ANABEZA

ITSURANG FLORES

JENNICA GARCIA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

JOLINA MAGDANGAL

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with