^

PSN Showbiz

Nag-iisang Pinoy: Pacquiao pasok sa Celebrity 100 ng Forbes

-

MANILA, Philippines – Patuloy sa pagbulusok ng tagumpay ng People’s Champ na si Manny Pacquiao dahil nasa listahan na rin siya ng Forbes Celebrity 100.

Si Pacquiao lang ang tanging Pilipino na naisama sa taunang listahan ng most powerful celebrities in the world ng maimpluwensiyang Forbes. 

Napunta si Pacquiao sa ika-57 puwesto sa naturang listahan para sa taong 2009 na pinangunahan ni Angelina Jolie.

Niraranggo ng Celebrity 100 ang mga film at television actor, model, chef, athlete, at musician batay sa kanilang entertainment-related earning at media exposure.

Sa listahan ngayon ng Forbes, si Pacquiao lang ang tanging Filipino at boksingerong napasama rito. Naitala ang kinita niya na $40 million. Sa larangan ng natanggap na kita, nasa ika-36 na puwesto siya - sa exposure sa internet, 55th; sa press, 59th; at sa TV at radio exposure, 80th.

Kinonsidera ng Forbes ang naging laban ni Pacquiao kina Oscar de la Hoya at Ricky Hatton, ang kasikatan niya at impluwensiya bilang endorser at plano sa pulitika.

Sa hanay ng mga atleta, sinapawan ni Pacquiao ang ibang kilala sa sports tulad ng basketbolistang si Kevin Garnett, baseball icon Derek Jeter, tennis ace Serena Williams, Maria Sharapova, Venus Williams at Ana Ivanovic.

ANA IVANOVIC

ANGELINA JOLIE

DEREK JETER

FORBES CELEBRITY

KEVIN GARNETT

MARIA SHARAPOVA

PACQUIAO

RICKY HATTON

SERENA WILLIAMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with