Sharlene representative ni Robby
MANILA, Philippines - Si Robby Rabbit, ang lovable mascot na nagri-representa ng kabutihan at kasiyahan para sa mga kabataan, ay may bagong mukha. Siya ay ang ABS-CBN talent na si Sharlene San Pedro.
Sina Robby at Sharlene ay parehong maraming maganda na maipapakita sa publiko. Ang talento ng 11-year-old na si Sharlene ay kasing lawak ng mga makukulay na bags at accessories line ni Robby Rabbit. Napili ang child star na maging endorser ng kumpanya dahil sa angkin nitong charm at impluwensiya bilang good role model para sa mga batang tulad niya.
Ang kaigihan naman sa Robby Rabbit, sa loob ng maraming taon ay naging katuwang ito ng ABS-CBN’s Bantay Bata Foundation at ng outreach program na Aksyon Ngayon sa pamamahagi ng mga donasyong school bags sa mga kapuspalad na bata.
Kung may katanungan tungkol sa Robby Rabbit, tawagan ang 367-9890 o mag-e-mail sa [email protected].
- Latest