Mara Isabella bida na sa indie film
Bongga ang ginawang magkakasamang launch ng Human, Kashieca at Bench na pag-aari lahat ng successful businessman na si Ben Chan na ginanap sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia nung nakaraang linggo.
Sina Billy Crawford at Luis Manzano ang nangunang celebrities sa Human, si Bea Alonzo sa Kashieca habang sina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Gerald Anderson, Kim Chiu, Jake Cuenca, Enchong Dee, Shaina Magdayao, Rafael Rosell, Jon Avila, Christian Bautista, Karylle, Jay-R, Regine Angeles, Zanjoe Marudo at iba pa para naman sa Bench.
Sa mga celebrity endorsers ng Bench, visibly absent sina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes at Katrina Halili.
Nasa audience ang business tycoon na si Henry Sy na siyang nanguna sa mga dumalong guests na kinabibilangan din ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres, Sheryl Cruz, Krista Ranillo, Mons Romulo-Tantoco at iba pa.
Sa mga celebrities na rumampa, grabe ang sigawan ng audience kina Piolo, Diether, Zanjoe at maging kina Gerald, Kim at Jake.
* * *
Eighteen years old pa lamang si Mara Isabella Lopez Yokohama, ang panganay na anak ng estranged couple na sina Maria Isabel Lopez at G. Yokohama na isang Japanese national, pero graduating na ito ng Communication Arts course sa De la Salle University - Manila sa April 2010.
Kahit pinasok na rin ni Mara ang mundong ginagawalan ng kanyang inang si Ma. Isabel Lopez, ang showbiz, never nitong pinabayaan ang kanyang pag-aaral.
Si Mara ay napasama sa international movie na Santa Mesa na dinirek ni Ron Morales sa ilalim ng LLCI Productions. Ang pelikula ay nanalo ng Special Jury Award sa San Francisco Asian-American Film Festival nung nakaraang taon at ipinalabas sa New York, Los Angeles, Hawaii, Toronto, Chicago at iba pang lugar.
Kasama rin siya sa indie movie na Junkshop na dinirek ni Ron Bryant kung saan lead role ang kanyang ginagampanan kasama si Ronnie Lazaro bilang isa sa mga co-actors.
Limang taon lamang noon si Mara nang siya’y parangalang Youngest Filipina Surfer nung taong 1996. Biggest break naman sa kanya ang pagkakasama sa teleseryeng Natutulog Ba Ang Diyos? kung saan siya gumanap na evil sister ng lead star na si Roxanne Guinoo.
Mara Lopez turned 18 nung nakaraang May 20 at hindi nito ikinakaila na meron na siyang Filipino boyfriend na nag-aaral sa Amerika na nagngangalang Ryan Aguas.
Ibinuking din nito na meron na ring bagong nobyo (American) ang kanyang ina na tatlong taon na nitong boyfriend kaya pareho umano silang long-distance ang ka-relasyon.
Kahit hiwalay ang mga magulang ni Mara, nanatiling close friends ang mga ito at hindi nagpapabaya ng kanilang obligasyon bilang mga magulang sa kanila ng kanyang nakababatang kapatid. Very close din umano siya sa kanyang tatlong half-siblings sa father side.
Si Mara ay produkto ng Star Magic Batch 13.
* * *
Twelve years old pa lamang si Miles Ocampo nung nakaraang May 1, pero malaki siyang bulas. Kaisa-isang babae sa tatlong magkakapatid, si Miles ay Camille Hojilla sa tunay na buhay. Ang Ocampo sa kanyang screen name ay apelyido ng kanyang lola sa mother side.
Dapat ay ga-gradweyt na si Miles sa Goin’ Bulilit kung saan siya kabilang sa loob ng halos limang taon pero hindi pa rin siya inaalis. A grade 6 student sa School of St. Anthony sa Lagro, Quezon City, si Miles ay nakagawa na rin ng ilang commercials at ng ilang TV series tulad ng Mangarap Ka, Mga Anghel na Walang Langit, at Spirits.
Nakagawa na rin siya ng apat na pelikula na pawang blockbusters - ito ay ang I’ve Fallen For You, You Changed My Life, A Very Special Love at BFF nina Sharon Cuneta at AiAi de las Alas.
Ayon kay Miles, nang dahil sa kanyang kita sa pag-aartista, nakabili na siya ng house and lot at sasakyan para sa kanyang pamilya.
Hindi ikinakaila ni Miles na crush niya si John Lloyd Cruz at idol naman niya si Sarah Geronimo. Nang makatrabaho niya pareho sina John Lloyd at Sarah sa You Changed My Life at A Very Special Love ay sobrang thrilled umano siya dahil natupad ang kanyang pangarap na makatrabaho ang kanyang crush at idol.
* * *
- Latest