David Foster bawal sa promo ng local album ni Charice
Seen : Mga artista ng GMA 7 ang kasalukuyang sangkot sa mga isyu ng kahalayan. Sina Katrina Halili, Yasmien Kurdi at Aljur Abrenica.
Scene : Ang kawalan ng interes ng mga Pilipino sa mga artista na nanalo sa mga award-giving body.
Hindi na sineseryoso ang mga awards night.
Seen : Talent ni Richard Hiñola ang bagets na nagrereklamo na binastos siya ni Aljur Abrenica.
Scene : Ang mga tumutula na pagbabalita ng mga reporter ng dZMM Teleradyo.
Seen : Hindi maaaring banggitin ang pangalan ni David Foster sa promo ng local album ni Charice sa Star Records. May kontrata si Charice sa Star Records ngunit ang Warner Philippines ang magre-release sa Pilipinas ng kanyang international album. Si David ang producer ng international album ni Charice.
Scene : “Mas totoo ito pero huwag ninyo akong i-qoute,” ang sagot ni Pilita Corrales nang punahin ng kanyang mga kausap na mas maganda ang korte ng katawan niya kesa sa singer-actress na nakasama niya kamakailan sa isang TV special.
Seen : Ang panawagan ni Bernadette Alysson sa makakatulong sa kanya na makilala ang producer ng Pussycat Dolls concert sa June 11. Fan ng grupo ang anak nina Bernadette at Gary Estrada.
Gusto ng kanilang anak na makilala nang personal ang mga miyembro ng Pussycat Dolls.
Scene : May mga eksena sa Only You na hindi maganda si Angel Locsin. Dapat alagaan ng direktor ng Only You ang mga camera angle ni Angel para maganda siyang panoorin sa telebisyon.
- Latest