^

PSN Showbiz

Resulta ng drug test tinataasan ng kilay; Nanay ni Junjun parating naka-alalay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Dalawang presscon ang hindi ko pinuntahan kahapon, ang presscon ng Ngayon at Kailanman at ng Adik sa ’Yo.

Sinadya ko na huwag pumunta dahil hindi ko pinangarap na agawan ng eksena ang mga artista ng mga bagong shows ng GMA 7.

Imbes na sila ang interbyuhin, baka ako na naman ang kausapin ng mga movie writers tungkol sa nakakasawang isyu ng sex video ni Dr. Hayden Kho, Jr. tulad ng nangyari sa presscon ni Sarah Geronimo noong nakaraang Huwebes.

Ako na ang nagkusa na huwag dumalo dahil kesehodang tumanggi ako na magpa-interbyu, tiyak na kukulitin ako ng mga reporters.

* * *

Kapag isinusulat ko si Hayden, sinisiguro ko na ilagay ang kanyang kumpletong pangalan dahil Hayden din ang name ng tatay niya. Baka mapagkamalan na ang kanyang tanging ama ang may sex video. Eh doktor din ang tatay ni Hayden Jr. aka Junjun.

Junjun ang palayaw ni Hayden Jr. at forever nang Junjun ang tingin sa kanya ng mga tao dahil palagi na niyang kasama sa lahat ng lakad ang tanging ina niya.

Kasama si Irene nang pumunta si Junjun sa PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) at umapir din siya sa imbestigasyon ng Philippine Medical Association sa kanyang anak.

* * *

Hindi nagpang-abot sina Junjun at Katrina Halili sa PDEA noong Martes. Halos magkasunod na nagpa-drug test ang dalawa. Parehong negative ang resulta ng drug test.

Siyempre, may mga nagtaas ng kilay sa resulta ng drug test dahil hindi naman daw nade-detect kung gumamit ng bawal na gamot ang isang tao pagkalipas ng ilang araw.

Sa mga nagdududa, huwag na kayong mag-react at umapela dahil walang tao na magpapa-drug test kung alam nila na positive ang lalabas na resulta. Para na rin silang nag-attempt na mag-suicide kapag inilagay nila ang sarili sa alanganing sitwasyon ‘no!

* * *

Teka, magkalinawan muna tayo. Hindi tungkol sa drug addict ang kuwento ng Adik sa ‘Yo.

Isang romantic comedy ang Adik sa ‘Yo at ginamit ng GMA 7 ang title na adik para malakas ang recall sa masa. Mga normal at walang bisyo ang role ng mga bida sa show. Sa Ingles, Addicted to You ang translation ng Adik sa ‘Yo.

* * *

Remake naman ng pelikula nina Richard Gomez at Sharon Cuneta ang Ngayon at Kailanman.

Mga bida sa Ngayon at Kailanman sina Heart Evangelista at JC De Vera na parehong mga alaga ni Annabelle Rama.

Ang Ngayon at Kailanman ang follow-up sa Luna Mystika ni Heart na matagal na napahinga sa mga taping dahil naghanap pa ng project na babagay sa kanya dahil tinanggihan ng kanyang kampo ang TV remake ng Muling Buksan ang Puso.

Matagal din na nagpahinga si JC dahil hindi rin nito tinanggap ang SRO Cinemaserye dahil ayaw niya na maging suporta ni Marvin Agustin.

vuukle comment

ADIK

ANG NGAYON

ANNABELLE RAMA

DAHIL

HAYDEN JR.

JUNJUN

KAILANMAN

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with