^

PSN Showbiz

Dalaw minulto

-

MANILA, Philippines – Ang mag-best friend na si Jun Pyo at Ji Hoo, magkaribal na sa puso ni Jan Di!

Huwag bibitaw sa lalo pang umiinit na tagpo ngayong linggo sa pinakabagong kinakikiligan ng buong sambayanan – ang Boys Over Flowers.

Sa kanilang pagpunta sa New Caledonia, lalo pang ipinadama ni Jun Pyo ang namumuo niyang pagtingin kay Jan Di. Gagawin ng tagapagmana ng Shinwa ang lahat, maipakita lang kung gaano kaespesyal sa kanya ang dalaga kaya naman dinala niya ito sa isang islang hugis puso kung saan ipinangako niya na tanging ang babaeng gusto niyang makasama habangbuhay ang makakakita.

Samantala, dala naman ng nasirang pag-iibigan nila ni Su Jin ay nagkalakas loob na rin si Ji Hoo na pakawalan ang sinisikil na damdamin para kay Jan Di. Isang matamis na halik na ibinigay niya sa dalaga. Pero mismong si Jun Pyo ang nakakita rito.

Ano ang kahahantungan ng mag-best friend na si Jun Pyo at Ji Hoo ngayong magkaagaw pala sila sa iisang babae? Ito na ba ang simula ng pagkasira ng samahan ng F4? Sino ang pipiliin ni Jan Di sa dalawa?

Tunghayan ngayong linggo sa Boys Over Flowers, pagkatapos ng Hot Shot sa ABS-CBN. 

* * *

Ayon sa director ng pelikulang Dalaw ni Direk Joven M. Tan, hindi lamang literal na pagdalaw ng isang multo or kaluluwa ang pinag-ugatan sa pelikulang ito.

Aniya, “It’s about mens­truation, ‘yung bata, si Kristel Fulgar, ang ikinamatay niya, mens­truation. Nangyari lahat ‘yung violence sa buhay niya noong time na magkaroon siya ng mens­truation.”

Bida ng pelikulang Dalaw si Katrina Halili bilang TV journalist. At siya ang na-assign para gawin ang report na batang namatay dahil sa monthly period.

Sina Tonton Gu­tier­rez at Glydel Mercado naman ang gumaganap na mga magulang ng batang si Kristel.

Maraming twist ang pelikula sa pagpasok ng characters   nina Anita Linda, Mon Confiado, Matet de Leon at ang nagbabalik pelikula na si Alvin Pa­trimonio.

Hindi maikakaila na sa ngayon, controversial ang bida ng movie na si Katrina na patuloy na nakikipaglaban sa paglabas ng kanyang sex video sa internet. Pero hindi rin maikakailang nagiging controversial na rin ang pelikulang Dalaw dahil sa isang eksena kung saan, tila literal talagang may dumalaw sa shooting ng pelikula sinasabing ulo ng isang multo.

 “Actually, hindi ko gusto ang nangyayari,” simulang pahayag nga ni Direk Joven. “Ipagdasal na lang natin ‘yung bata…” 

‘Walang nakapansin sa lahat, even Glydel (Mercado) and Tonton na siyang may confrontation scene nang sumilip ang tinatawag nilang hairy ghost sa naturang eksena. Ang editor na si Rocky Ko lang ang nakakita nito. 

Bukod sa naturang eksena, mas marami pa raw kaabang-abang na suspense scenes ng movie at mapapanood sa mga sinehan ngayong Miyerkules.

* * *

Gamit ang kanyang bilis at husay sa pakikipag-laban, hindi na magpapaawat pa si Richard Gutierrez sa kanyang pakikipagsapalaran bilang ang maskaradong bayaning si Zorro.

Ngayong gabi, papayag na rin si Antonio na sumailalim sa ilang pagsasanay kay Ta Hong. Dahil sa nakuha ni Antonio ang respeto at paghanga ng maestro ay bibigyan siya ng isang piging kung saan mabibigyan din siya ng pagkakataong masilayan ang sagradong kasulatan.Tatangkaing pigilan iyon ni Gung Gong at ng mga kasamahan nito sapagkat siya raw ang may karapatan na masilayan ang sagradong kasulatan upang maging isang mahusay na mandirigma. Subalit talagang mahusay si Antonio sa pakikipaglaban kaya’t ipapakita pa rin sa kanya ni Ta Hong ang kasulatan. Ang mga salitang nakasulat doon ang siyang lalong magpapatatag kay Antonio at magbabalik ng kanyang tiwala sa sarili kaya’t siya, si Pepe at maging si Zorro ay handa nang bumalik sa Angeles upang muling maging tagapagtanggol ng mga naaapi.

Samantala, base sa overnight ratings ng AGB Nielsen Philippines, nakapagtala ang Zorro ng 34.2%.

vuukle comment

ALVIN PA

ANITA LINDA

BOYS OVER FLOWERS

DALAW

DIREK JOVEN

JAN DI

JI HOO

JUN PYO

TA HONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with