^

PSN Showbiz

Keempee pinopormahan si Iza

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Totoo ba ito, Keempee de Leon, na ang nilili­ga­wan mo naman ngayon ay si Iza Calzado? Nag­paalam ka na ba sa tatay niya? Panay-panay daw ang pagpapapayat mo dahil sa kanya? At to­too bang ipinagdadala ka niya ng pagkain sa set ng All About Eve? Aba, wala akong masabi, kung totoo ito.

Kung sabagay, wala akong pakialam dito. Isa pa, pareho naman kayong dalaga’t binata, pero parang nabalitaan ko na taken na raw si Iza, may boy­friend na itong bago, magta-try ka pa rin ba? Bakit hindi ang piliin mo ay yung talagang libreng-libre?

Kung sabagay, it’s about time na makakita ka na ng mamahalin at magbibigay sa iyo ng inspi­ras­yon. Ilang ulit ka na ring nabigo. Sana this time, swertehin ka na.

* * *

Congrats sa mga kaibigan kong sina Pocholo Malillin at Cris Nicolas. Nakalipat na rin sila finally sa bago nilang bahay na matagal ding ginawa. Ngayon, mas mapapaganda pa nila ang mga pala­bas nila sa Club Mwah!, dahil wala nang iba pa silang pag-iisipan. Let’s admit na habang ginaga­wa ang bahay nila ay dalawa ang pinagtutuunan nila ng pansin. Ngayong tapos na ito, Club Mwah na lang talaga.

Sina Pocholo at Cris ang utak sa napaka-gagandang palabas na napapanood sa Club Mwah. Si Pocholo ang administrative officer at si Cris naman ang artistic director. Together, nagawa nilang ipakilala ang kanilang lugar hindi lamang dito sa atin kundi maging sa maraming panig ng mundo bilang isa pang Las Vegas. Nakabisita na ba kayo sa Club Mwah? Kung hindi pa, marami kayong nami-miss. Kahit minsan, manood kayo ng palabas nila at sigurado ipagmamalaki n’yo na hindi pahuhuli ang mga talentong Pinoy sa mga foreign acts. Subukan n’yo lang kahit minsan at siguradong babalik-balikan n’yo ito. Promise!

* * *

Dahil hindi muna matutuloy ang pagta­tambal nina Richard Gutierrez at Anne Curtis sa pelikula, sa serye naman sila sasabak. Ire-remake ng GMA 7 ang Full House at si Anne ang gustong makatambal ng aktor.

Pero paano ba ito, papayagan ba si Anne ng Kapamilya network? Hindi ba contract artist siya ng kabila? Ay hindi pala, Viva pala ang may hawak sa kanya. Ibig sabihin ba ibibigay na siya ng Viva para maging Kapuso? Papayag ba ang ABS-CBN? Naguguluhan ako, saka na lang ako magkukwento kapag kumpleto na ang facts ko at hindi sabi-sabi lamang ang pinagbabasehan ko.

* * *

Kung ako, tutol na paghiwalayin sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Mas­yado na kasing maraming napatunayan as a loveteam ang dalawa. But, on the other hand, baka inisip naman ito ng istasyon nila para palaguin pang lalo ang individual careers nila, eh ’di dapat lang silang magpasalamat. Biruin mo, may nakikita pang mas malayo sa loveteam nila ang kanilang kumpanya, ibig sabihin lang concerned sa kanila ang mother network nila.

Marami na tayong nakitang loveteam na hindi nakayanan nang pag­hiwalayin sila. May isang hindi nakakatayong mag-isa, na ang karamihan ay ang lalaki.

Maganda yung naisip ng Dos para sa kanila, kaya huwag nang magrek­lamo ang mga fans nila, para rin ito sa kapakanan ng inyong mga idolo.

ALL ABOUT EVE

ANNE CURTIS

CLUB MWAH

CRIS NICOLAS

FULL HOUSE

GERALD ANDERSON

NILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with