Aktres na may edad may karelasyong negosyante
Kung noon ay ayaw na makita ni Jennylyn Mercado ang ex-boyfriend at ama ng kanyang lovechild na si Patrick Garcia, ngayon ay payag na nitong makatrabaho ang aktor.
“Wala namang masama kung magsama kami. Okey lang na maging magkaibigan kaming muli,” aniya.
Sinabi pa rin ng aktres na noong nagkahiwalay sila ni Mark Herras ay di rin naging maganda ang nangyari pero sa kalaunan ay nagkalapit uli sila hanggang maibalik ang kanilang tambalan sa TV.
Aktibong muli ang career ni Jen at isa siya sa mga bida ng SRO Cinemaserye : Suspetsa ng GMA 7.
* * *
Sa June 7 ay first death anniversary ng yumaong asawa ni Lorna Tolentino kaya magkakaroon ng misa at blessing ng kanyang museleo sa Heritage Park.
Hindi pa rin niya nagagalaw ang mga gamit ng yumaong asawa at pakiramdam niya ay laging nasa tabi niya ito. Hindi pa rin siya handang umibig at sinabing mahirap mapantayan ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ni Daboy.
Sa kabilang banda, nakikisimpatiya si LT kay Katrina Halili - sa sex video scandal nila ni Hayden Kho.
* * *
Hindi kami magtataka kung bakit hanggang ngayon ay di pa rin nag-aasawa ang sikat na seksing aktres na ito. Tatanda na lang yata itong dalaga ayon sa marami.
Pero bihira ang nakakaalam na meron na itong rich Chinese businessman lover at matagal na rin silang nagsasama. Can afford siya ng luxury dahil mayaman ang lover.
Hanggang ngayon ay di ito nababakante sa telebisyon at madalas ay rich na ina ang karakter na ginagampanan. Hindi pa rin nagbabago ang kaseksihan nito sa pagdaan ng mga taon at maganda pa rin siya huh!
- Latest