^

PSN Showbiz

Hayden dineklarang persona-non grata sa probinsiya ni Katrina

-

MANILA, Philippines - Bawal nang tumuntong sa Bohol at Palawan ang kontrobersyal na cosmetic surgeon na si Hayden Kho.

Naunang nagdeklara ng persona non grata laban kay Hayden ang Palawan na siyang probinsiyang pinagmulan ni Katrina Halili.

Napaulat na pinagtibay kahapon ng provincial board ng Bohol ang isang resolusyong nagdedeklarang persona non-grata at bawal tumuntong sa lalawigan si Hayden dahil sa ginawa niyang pag-video sa pagtatalik nila ni Katrina sa kama at pagkalat nito sa internet.

Sinasabi sa resolusyon na ayaw nilang makatuntong sa Bohol at hindi nila tatanggapin dito ang doktor na inireklamo ni Katrina dahil sa naturang sex video.

Sinabi ng mga bokal ng Bohol na walang malulugaran sa kanilang probinsiya ang taong tulad ni Hayden.

Noong Martes, nagpasa ng isang resolusyon ang provincial board ng Palawan na nagdedeklara na persona non grata sa lalawigan si Hayden.

Sinabi naman sa resolusyon na hindi lang para kay Katrina ito kundi pati na rin sa ibang babae.

Si Katrina na nagmula sa naturang lalawigan ay naging kalahok sa Mutya ng Palawan beauty pageant noong 2003.

Samantala, bago pinagtibay ang naturang resolusyon, naantala ang sesyon ng provincial board ng Bohol nang ihayag ng isa sa mga miyembro nito na meron siyang kopya ng video sa kanyang laptop.

Hinihiling din sa resolusyon na parusahan ng kinauukulang ahensya tulad ng Professional Regulation Commission (PRC) si Hayden.

BAWAL

BOHOL

HAYDEN

HAYDEN KHO

KATRINA HALILI

NOONG MARTES

PALAWAN

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

SI KATRINA

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with