Dahil sa issue kay Hayden Kho, Atty. Tamano tsinugi sa oposisyon?
True kayang nag-resign o tinanggal ba si Atty. Adel Tamano as spokesperson ng United Opposition (UNO) headed by Makati Mayor Jejomar Binay? May balita kaming officially ay hindi na siya ang spokesperson ng oposisyon at lumipat na sa ibang partido.
May connection kaya ito sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng boyfriend ni Dra. Vicki Belo na si Dr. Hayden Kho? Si Atty. Tamano ngayon ang spokesperson ni Dra. Belo.
We hope na makatanggap kami ng official statement from Atty. Adel Tamano or from UNO regarding this matter para mas maging malinaw ang issue (hmm, parang ‘di ito showbiz.).
* * *
Hindi dapat masyadong dumidikit si OMB Chairman Edu Manzano kay Dr. Hayden Kho. Ito ang advice ng isang kaibigan ng OMB Chairman.
Or kung nilalapitan man daw siya, ‘wag niyang gawin in public. “Bahala siya, nega to the highest level ang image ni Hayden ngayon, baka madamay pa siya,” sabi ng friend ni Edu.
Unang-una nga naman, walang ia-upload sa internet kung walang sex video. Kaya mas importanteng si Hayden talaga ang parusahan.
“Sarap sapukin. Akting-akting pa siya na nakakaawa. Gusto kong makulong si Hayden,” sabi naman ng isang kaibigan kong hindi usually mahilig mag-react sa mga issues pero ngayon ay galit na galit sa nasabing doctor.
May punto siya. Walang mangangahas na magnakaw ng sex videos niya kung hindi niya ginawa ‘yun sa mga kawawang nakarelasyon niya.
Siya pa rin ang may kasalanan ng lahat at hindi dapat isisi sa mga nag-upload sa internet.
‘Wag na rin sanang kalkalin sa publiko ang mga yuckie na sexcapade ni Dr. Hayden ng kanyang mga tagapagtanggol. Saka kung wala siyang ginawang masama sa kaibigan niya, walang mag-iisip na gantihan siya.
Exploited daw si Hayden sa issue. Halloh. Paano naman siya na-exploit eh inamin na niyang ginagawa niyang journal ang mga sex videos.
* * *
Si Sen. Chiz Escudero lang yata ang pulitikong nakaalala na batiin ang pagkapanalo ni Direk Brillante Mendoza sa Cannes Film Festival as best director. Karamihan, ang sex scandal ang sinasakyan.
Here ang statement niya:
“It is with much pride that I extend my congratulations to Brillante Mendoza, who was judged best director at the prestigious Cannes Film Festival for the film Kinatay - the first Filipino to win that honor.
“With resources that paled in comparison to those readily available to his competition, Brillante Mendoza managed to produce a film that was at par with the best the world had to offer, a work of art that showed that there is no substitute for real talent.
“His victory over the most respected directors in the world is more than a cause for celebration for our country; it is proof that Filipinos can excel in any field despite the meager resources they have and the difficulties they face.”
Dumating din ng bansa si Direk Mendoza na walang masyadong sumalubong.
- Latest