^

PSN Showbiz

Resbak sa nanay ni Hayden, 'Kung magsalita si Irene, parang inosente at biktima ang kanyang anak. Daay, huwag mong gamitin si God para ipagtanggol ang kalaswaan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Type na type ko ang pagpapainterbyu ni Irene Kho sa TV Patrol World noong Lunes ng gabi. Ipinakita at pinatunayan niya sa madlang-bayan na mag-ina nga sila ni Hayden dahil ang mga tao sa paligid ang kanilang sinisisi sa kaguluhan na nangyayari ngayon sa buhay nila.

Kung magsalita si Irene, parang inosente at biktima ang kanyang anak. Parang hindi si Hayden ang gumawa ng sex video.

Idinamay pa ni Irene ang pangalan ko. Ako raw ang nag-orchestrate ng lahat. Ako? Ako? Ako ba ang kumuha ng video? Kasali ba ako sa video?

Hmmm... idinadamay ni Irene ang pangalan ko para ma-divert ang isyu. Ang akala niya yata eh malilimutan ng mga tao ang malaking kalokohan na ginawa ng kanyang anak.

Nagsalita pa si Irene na ako raw ang gumawa ng script ng pag-iyak ni Katrina at kung anik-anik pa.

 Alin kaya ang scripted, ang pag-iyak ni Katrina na na-violate ang pagkababae o ang interbyu ni Irene na kuntodo-make up, may hawak na Bible at crucifix at to top it all, may malaking image ng Sto. Nino sa background?

Daay, huwag mong gamitin si God para ipagtanggol ang kalaswaan ng anak mo. Totoo na sinabi ko na magpainterbyu ka pero hindi kita pinayuhan na magdamay ng ibang tao o maghanap ng masisisi. Ang sabi ko, ikaw ang magsalita at humingi ng kapatawaran para sa mga kalokohan na ginawa ni Hayden dahil bilang ina, maiintindihan ka ng mga tao.

Nanawagan pa si Irene na kumanta ako! Ano ang ikakanta ko? O sige, kakanta ako at kung gusto mo, duet pa tayo pero kailangan ko pang pag-aralan ang lyrics ng Careless Whisper dahil hindi ko ito memoryado.

Saka, pag-aaralan ko muna ang sayaw ni Katrina. Kung gusto ni Irene, mag­papaturo ako kay Hayden ng pagsasayaw, basta huwag na niyang isuot ang kanyang bandana dahil masyado na itong identified sa erotic dancing nila ni Katrina.

Maipapangako ko na makakaya ko na i-memorize ang Careless Whisper pero hindi ko ito makakanta ng pabulong dahil careless ako!

* * *

Sinabi rin ni Irene sa interbyu na basahin ng mga tao ang PSN dahil isinulat ko rito na inirap-irapan niya ako nang magkita kami noong nakaraang Huwebes.

Totoong inirap-irapan ako ni Irene pero dahil ‘yon sa mga ibinabalita ko sa dzBB at dzMM at sa mga isinusulat ko sa kolum ko, hindi dahil tinuturuan ko siya na umiyak kung magpapainterbyu siya tungkol sa kanyang anak.

In fairness, na-plug ni Irene sa national TV ang PSN. Nakumpirma tuloy ang hinala ko na araw-araw niyang binabasa ang kolum ko at nakikinig siya sa mga radio program ko sa dzBB at dzMM.

Si Irene ang nagbigay sa akin ng idea na siya ang nagsusumbong kay Dra. Belo ng mga inire-report ko sa radyo tungkol sa sex video ni Hayden.

Malapit ko nang makumbinsi ang sarili ko na big fan ko si Irene dahil sinusubaybayan niya ang mga isinusulat ko sa PSN at ibinabalita sa radyo. Ewan ko lang kung aamin siya ha?

* * *

Sa totoo lang, panay ang tawag sa akin ni Dra. Belo noong Lunes pero hindi ko nasagot ang kanyang mga phone call hanggang mag-text siya sa akin na tantanan na ang pagbabalita ko tungkol kay Hayden dahil hinimatay na raw si Irene. Nakalagay din sa text message ni Mama Vicki na nanay din ako kaya maintindihan ko sana ang sitwasyon ng nanay ni Hayden.

Noong hapon na ‘yon, nag-decide ako na manahimik na, alang-alang kay Mama Vicki pero kinagabihan nang umuwi ako ng bahay, ang interbyu ni Irene ang bumulaga sa akin.

Wala sa itsura niya ang nahimatay dahil mukhang nakapagpa-parlor pa siya bago humarap sa TV camera. Paano ako makikisimpatiya sa kanya, lalo na sa mga dialogue niya na kawawa si Junjun (palayaw ni Hayden) with matching paninisi sa ibang tao?

Kesyo tinuruan ni Katrina na gumamit ng bawal na gamot si Hayden, kesyo scripted ang lahat at ako ang mastermind. Ano na ang nangyari sa sex video scandal? Imbes na ihingi ng forgiveness ang kagagahan na ginawa ni Junjun, sinisi niya si Katrina. Sinisi niya ako. Sinisi niya si Bong Revilla. Sinisi niya ang road manager ni Katrina na si Omar pero silang mag-ina, walang kasalanan? Kaloka siya ‘di ba?

AKO

CARELESS WHISPER

DAHIL

HAYDEN

IRENE

MAMA VICKI

NIYA

SINISI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with