^

PSN Showbiz

Dialogue sa sex scandal nina Katrina at Hayden, ring tone na 'Oooh la la, sizzling hot'

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

National figure na si Dr. Hayden Kho. Wala nang hindi nakakakilala sa kanya. Ultimo mga batang maliliit, kilalang-kilala na siya.

Ang reaction tuloy ng mg baklah kong kaibigan, iniisip na kaya ng cosmetic surgeon na kumandidato sa 2010 election?

Why not!

Kung ang mga ibang nag-aambisyong mag-pulitika ay gumagastos ng malaki para makilala at magkaroon ng publicity, tal­bog sila ni Hayden. Walang gastos, walang effort pero national figure na. Sikat na sikat siya! Sa page 1 ng mga tabloid and broadsheets ang landing ng story niya.

Yun nga lang, wasak na wasak naman ang pagkatao ng bagets na doktor. Pero ka­tu­wiran naman ng baklish na si IL, makakalimutan din ang nangyari ng ka­ra­mihan sa atin. Makakalimutin naman daw ang mga Pinoy.

Say pa ni IL: “The controversial sex videos between a so-called celebrity doc­tor and his female partners for those who have seen them were familiar and nothing extraordinary. It revealed the sexual appetite of the said performers, par­ticu­larly the doctor who demonstrated his pro­wess in ‘eating’ and predilection for using his fingers, in the process.”

Mas magandang pakinggan sa English kesa Tagalog noh?

Say naman ni DO, iniidolo pa nga raw si Hayden — ng mga manyakis nga lang.

Pero hindi puwede, malaki ang kasa­lanan ni Hayden lalo na sa mga nabiktima niyang mga babae sa pangunguna nina Katrina Halili, Maricar Reyes, isang Brazilian model, beauty queen (na hindi pa lumalabas ang video at coming pa lang daw), at hindi natin alam kung sinu-sino pa. 

Pero ang siste, isang women’s right lawyer at feminist pa ang nagtatanggol sa doktor ngayon, si Atty. Lorna Kapunan.

Imagine, isang feminist na dapat sana’y nagtatanggol sa karapatan ng mga kababaihan ang tagapagtanggol ngayon ni Hayden (na aminadong video ang ginagamit niya para ‘souvenir’ sa kanyang mga naka-relasyon at nag-volunteer na hindi na siya magdo-doktor bago pa man siya tanggalan ng lisensiya)?

Malayo pa ang aabutin ng kuwentong ito. Marami pang maglalabasang ibang anggulo dahil siguradong reresbak ang kampo ni Kho, kay Katrina partikular na.

May naririnig akong issue ng drugs na hindi pa natin alam kung paano papasok sa kuwento, pulitiko at marami pa.

Anyway, hindi lang scandal videos ang pinagkakaguluhan ngayon kundi pati ang ring tone. Yup, ring tone na ang dialogue ni Dr. Hayden sa isang video ay “Oooh la la, sizzling hot” habang kausap si Katrina.

Maraming naaliw sa nasabing video nang mapanood na nag-uusap ang dalawa. May dialogue pa raw silang “mahal mo ako.”

Iba ito sa mga naunang video sabi nang nagkuwento — three-minute video kung saan nagsasayaw pa raw na may bola si Katrina habang parang sini-seduce ang doctor.

* * *

Speaking of elections, tinatawanan din ng mga baklah ang campaign ad ni MMDA Chairman Bayani Fernando na “May BF Ka Na!” Read ng mga kafatid: May Boy Friend ka na. Hahaha! Binigyan agad nila ng malisya.

Pero may sumagot agad na May Best Friend Ka Na. React naman agad ng iba, nanggaya sa BFF (Best Friends Forever) nina Sharon Cuneta at AiAi delas Alas.

Well, may punto sila.

vuukle comment

BAYANI FERNANDO

BEST FRIENDS FOREVER

DR. HAYDEN

HAYDEN

HAYDEN KHO

KA NA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with