^

PSN Showbiz

Jay Manalo nambitin na naman

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Naghahanda na ang Solar Entertainment Cor­po­ration para sa gagawing pelikula na tatam­pukan ni Pambansang Kamao at boxing champion na si Manny Pacquiao. Ito’y isang comedy at naghahanap pa ng magiging leading lady ang boksingero. Pati ang mga artistang bubuo sa pelikula ay pinag-iisipan pa, direktor at mga staff.

Magaling naman sa pagpapatawa si Manny dahil nakagawa na ito ng pelikulang katatawanan kasama pa nga si Congressman Mikey Arroyo noon.

Hindi kaya makasama ang ina nitong si Aling Dionisia?

Well, tingnan natin kung papayag siya. Ayaw na nga nitong mag-artista dahil naimbyerna sa intriga linking him sa isang DI (dance instructor). Mas gusto pa niyang maging commercial model.

* * *

Mula pala ng maging Reyna Emperatriz si BB Gandanghari sa Malabon City ay may kumukuha rin sa kanya para maging Reyna Emperatriz sa Marikina pero hindi na natuloy. Ganyan siya kaingay ngayon.

Pinagkakaguluhan siya kahit saan pumunta.

Inamin ni BB Gandanghari na hindi pa sila nagkikita ng ex-wife na si Carmina Villaroel. If ever na magkrus ang kanilang landas babatiin naman niya ito.

Puring-puri nito ang dating asawa dahil kahit nag-iba na ng kasarian ay never siyang nakarinig ng panlalait o pamimintas mula kay Mina.

‘‘Kaya hindi ko siya malilimutan lalo na ang kanyang kabaitan,’’ sey nito.

* * *

Matagumpay na naidaos ang pagdiriwang ng Mutya ng Malabon 2009 noong Huwebes ng gabi sa Oreta Sports Center. Isa ito sa proyekto ng Gay Foundation na pinamumunuan ni Ernie dela Cruz, ama ni Angelika. Maganda ang show at ang gaganda ng mga nanalong Mutya ng Malabon at puwedeng-puwede silang mag-artista. Nauna nang proyekto ng foundation ang Santakrusan kung saan si BB Gandanghari ang naging Reyna Emperatriz.

Kilalang-kilala sa Malabon si Ernie gayundin ang kanyang anak. How true na sasabak din sa pulitika balang araw si Angelika dahil likas ang pagiging matulungin nito noon pa man sa mga kapus-palad? Balak yata nitong tumakbo sa pagiging konsehal sa isang distrito ng lungsod.

Excited na sa pagiging ina ang aktres at nagda-diet ito para pumayat dahil gusto pa ring balikan ang pag-aartista.

Tiyak na ang pagpa­pakasal ni Angelika at Orion this coming December sa Tagaytay Highlands at baka bonggang garden wedding ang maganap.

* * *

Hindi kami magtataka kung bakit tuluyan nang nanamlay ang career ni Jay Manalo. Tuloy pa rin kasi ang pambibitin nito ng commitment. Dapat ay isa siya sa mga hurado ng Mutya ng Malabon at excited na ang mga tagaroon dahil nagagalingan sila sa aktor at gusto nilang makita ito nang personal.

Last minute nagpasabi ito na hindi siya makakarating. Nanghihinayang kami sa kahusayan niyang umarte pero pagdating sa propesyonalismo, sira ang aktor kaya sino pa kaya ang gustong mag-manage ng kanyang career?

* * *

May nag-text sa aking kaibigan at sinabing may lalabas pang ibang video si Dr. Hayden Kho. Kahit saan magpunta ngayon ay siya ang topic. Nakakatulog pa kaya ang taong iyon ngayong sentro siya ng kontrobersiya? Kasumpa-sumpa naman kasi ang kanyang ginawa sa mga kababaihan na naugnay sa kanya dahil sa sex scandal na bunga ng ni-record ng doktor sa video camera niya.

vuukle comment

ALING DIONISIA

ANGELIKA

CARMINA VILLAROEL

CONGRESSMAN MIKEY ARROYO

GANDANGHARI

MALABON

MUTYA

REYNA EMPERATRIZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with