Regine binalikan ang dating karibal
TV update
MANILA, Philippines – Curious ba kayo sa lasa ng secret recipe ni Jillian (Angel Locsin) ng Only you na Aligue Bibimbap na kilala rin sa tawag na Talangkanin? Huwag ng mag-isip pa dahil ang Kaya Restaurant ay nag-o-offer ng Talangkanin meal sa mga sumusunod na branches nila para naman maipatikim sa tao ang kakaibang flavor nito : Jupiter, The Podium, Rockwell Powerplant, Glorietta VI, Paseo Center, Robinsons Place at SM Megamall.
Ang Talangkanin meal ay hango sa signature dish na ginawa para sa remake ng Koreanovelang Only You, ang Aligue Bibimbap (ang ibig sabihin ng Bibimbap ay ‘mixed rice’). Sa halagang Php 210.00 para sa fast food branches ng Kaya at Php 310.00 para sa kanilang fine dining branches, inyo nang malalasahan ang napaka-sikat at malinamnam na Talangkanin.
* * *
Ngayong Linggo, kilalanin si Regine Velasquez sa isang espesyal na docu-musical na maglalahad ng kanyang simpleng buhay, pangarap at pinagmulan hanggang sa ‘di mabilang na tagumpay ng Asia’s Songbird sa Regine…Roots to Riches.
Mapapanood sa Sunday Night Box Office (SNBO), ang Regine…Roots to Riches ay isang madamdamin at napaka-inspiring na concert special na ginanap sa gymnasium ng Centro Escolar University sa Malolos, Bulacan. Sa Bulacan lumaki si Regine kaya sa lugar na ito ginawa ang nasabing concert na handog niya sa kanyang mga kababayan at mga taga-suporta.
Tampok sa docu-musical special na ito ang magagandang production numbers at documentary videos na maglalahad ng pinagmulan ni Regina Encarnacion Velasquez, ang isa sa mga premyadong artista sa Pilipinas na nagsimula lamang sa pagsali sa mga amateur singing contest sa Bulacan at maging sa telebisyon.
Hahanapin, babalikan at ipakikilala ni Regine ang mga taong tumulong at sumuporta sa kanya sa abot ng kanilang makakaya nang siya ay nagsisimula pa lamang.
Kabilang sa mga ito na nakatulong sa pagbuo ng kanyang mga pangarap sina Mang Estong, ang tricycle driver na naghahatid sa kanya sa lahat ng singing contest sa iba’t ibang bayan; si Mrs. Susan Galvez, ang grade school teacher niya na gumagawa ng mga gowns niya ng libre; si Mang Gerry, ang kanyang ama, trainor at unang manager; si Ronnie Henares, dating manager ni Regine at si Cacai Mitra, ang kapatid at manager ngayon ng Asia’s Songbird.
Makakasama ni Regine sa musical extravaganza na ito ang mga celebrities na naging bahagi ng kanyang buhay para maabot ang tagumpay niya ngayon tulad nila Pilita Corrales, Pops Fernandez at Jose Mari Chan.
Si Ms. Pilita Corrales, ang isa sa mga host ng Ang Bagong Kampeon, ang singing contest sa telebisyon kung saan nagwagi si Regine.
Si Pops Fernandez naman ang dating host ng Penthouse Live na nag-imbita sa kanya bilang guest sa show at ito ang kauna-unahang guest appearance ng aktres sa telebisyon.
Si Mr. Jose Mari Chan naman ang kasama niya sa kauna-unahang recorded duet, ang Please Be Careful With My Heart. Makakasama rin sa docu-musical special ang dalawa sa magagaling na drama actors sa Pilipinas – sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.
Pero ang pinakamalaking sorpresa sa docu-musical special na ito ay ang showdown sa pagitan nila Regine at ng kanyang mahigpit na katunggali sa mga amateur singing contest noon na si Eva Castillo. Sa katunayan, halos lahat yata ng sinalihan nilang contest ay pangalawa lamang si Regine kay Eva maliban na lang nung minsang nagdesisyon ang mga hurado na tie sila. Ang nakaka-iyak na showdown na ito at pagkikita ng dalawang magkaibigan na dating magkatunggali sa mga singing contest ang isa sa mga highlight ng show na hindi dapat palagpasin ng mga manonood.
Kakantahin dito ni Regine ang mga inawit niya noon sa mga singing contests at muli niyang iparirinig ang mga kantang nagpasikat sa kanya tulad ng And I Am Telling You, Love Me Again, Narito Ako at Bakit Ako Mahihiya at Please Be Careful With My Heart.
* * *
Kinilala’t hinangaan siya bilang weather man at trivia king. Ngayon, isa na siyang ganap na environmental hero!
Kamakailan, pinarangalan si Kuya Kim Atienza ng Fr. Neri Satur Award para sa Environmental Heroism kung saan kinilala ang kanyang mga gawain para ipamulat sa mga tao ang kahalagahan ng kalikasan bilang anchor ng Matanglawin.
Sa loob ng isang taon, humakot na rin ang Matanglawin ng iba pang mga parangal sa mga prestihiyosong award giving bodies tulad ng Golden Dove Awards, PMPC Star Awards, Anak TV Seal at Asia Pacific Broadcasting Union.
Lalo pang tumitindi ang kanyang mga adventures ngayong linggo dahil bubusisiin ni Kuya Kim ang mga epekto at dahilan ng pinakamalubhang krisis na kinakaharap ng tao ngayon – ang global warming.
Tuklasin kung bakit at paano sa pagdaan ng panahon, dumadalas at lumalakas ang hagupit ng mga bagyo at kung bakit tila tumitindi ang sikat ng araw. Posible bang sa 2100, walumpung porsyento na ng Pilipinas ang nakalubog sa tubig?
- Latest