^

PSN Showbiz

Kakaibang Jackie Chan

-

MANILA, Philippines – Sa lahat ng kanyang malalaking pelikula, ginampanan nang mahusay ni Jackie Chan ang kanyang papel bilang tigasing action hero. Pero sa kanyang latest movie sa Shinjuku Incident na lalabas sa mga sinehan sa June 10, isang bagong Jackie Chan ang ating mapapanood. Siya si Steelhead, isang masipag at mabait na tractor repairman na masasangkot sa magulong mundo ng Japanese underwood at Chinese gangs.

Ito ang kauna-unahang pagganap ni Jackie Chan sa ganitong klaseng karakter. Idinirek ni Derek Yee, kasama rin sa Shinjuku Incident ang mga pinakamahusay na aktor mula Hong Kong, Mainland China at Japan. Dadalhin din nito ang mga manonood sa iba’t ibang lokasyon gaya ng Suzhu at Changchun sa China at Japan.

Talagang iba ang karakter na Steelhead sa mga roles na nagampanan na ni Chan. Nang pakasalan ng kanyang girlfriend ang isang nag-aambisyong Yakuza chief, kinaibigan niya ang kanyang karibal sa pamamagitan nang pagtatrabaho bilang tauhan nito. Ngunit nang mapagtanto niyang hindi niya nais na mamuhay bilang gangster, umiwas siya sa grupo at nagpasiyang mamuhay nang tahimik. Subalit naputol ang katahimikan niyang ito nang mabalitaan niyang ginagamit ng Yakuza ang kanyang mga dating kaibigan para palaguin at palakasin ang drug business nito. Ngayon, nais niyang maibalik sa ayos ang lahat. Pero paano nga ba mapababagsak ng isang migranteng Tsino ang isang buong Yakuza clan?

Mula sa Viva International Pictures, bida rin sa Shinjuku Incident sina Ken Watanabe at Daniel Wu.


DANIEL WU

DEREK YEE

HONG KONG

JACKIE CHAN

KEN WATANABE

MAINLAND CHINA

PERO

SHINJUKU INCIDENT

VIVA INTERNATIONAL PICTURES

YAKUZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with