^

PSN Showbiz

Aktor hurt sa actress na nagdaldal ng kanyang 'bad breath'

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagpahayag ng suporta ang Actor’s Guild of the Philippines kay Katrina Halili. Si Tirso Cruz III ang nag-text ng statement of support sa guild na pinamumunuan ni Phillip Salvador.

Sabi ng statement: “The Actor’s Guild of the Philippines is strongly supporting our fellow artist Ms. Katrina Halili, in her fight for justice for the mental and emotional sufferings caused to her by the proliferation of the sex video. The Guild will be with her in every step of the way…”

* * *

Nasaktan ang actor sa paninira sa kanya ng kapareha sa isang series nang ikalat na bad breath daw siya kaya ayaw na siyang maka-kissing scene rito. Ayon sa actor, pinaghandaan niya ang eksena by brushing his teeth at nag-mouthwash pa para walang masabi ang kapareha.

Nagtataka lang ang actor dahil marami na siyang naka-kissing scene, pero ngayon lang may isyung bad breath siya. Ang ikinasasama pa ng loob ng actor, ipinarating pa ng actress sa press ang reklamo, gayung puwede naman siyang kausapin ng personal kung totoong may problema sa kanyang hininga.

Nawalan ng gana ang actor sa kapareha, pero dahil propesyonal, tatapusin nito ang series. Kaya lang, kung siya ang masusunod, ayaw na niyang ma­katrabaho pa ang actress.

* * *

Iba na naman ang hairstyle ni Glaiza de Castro nang makita namin sa GMA Network at ibinalita nitong kahapon ang storycon ng TV remake ng Kung Aa­gawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Kasama niya rito sina Maxene Magalona, Geoff Eigenmann at Pat­rick Garcia na wala sa presscon dahil sa May 26 pa ang dating nito from Europe, pero narito na sa first taping day nila.

Role ni Jackielou Blanco ang gagampanan ni Glaiza at role ni Ricky Davao ang napunta kay Patrick. Excited ang actress, hindi dahil kasama na naman niya ang actor, kundi dahil sa kontrabida role na ibinigay sa kanya’t mas natsa-challenge siya sa bad girl roles.

Tapos na pala si Glaiza sa shooting ng indie film na Bente ng Sine Direk Series. Second choice lang siya sa role dahil nag-backout ang actress na dapat makakapareha ni Aldred Gatchalian dahil natakot sa bed scene. Sabi ni Glaiza, magsisisi ang actress na tinanggihan ang pelikula dahil wala silang ginawa ni Aldred sa bed kundi matulog.      

* * *

Kinumpirma ni Paolo Bediones ang pagba-backout sa season 2 ng Survivor Philippines ng controversial beauty queen na Janina San Miguel. Hindi ito sumipot sa medical and physical examination to think na bumiyahe pa ito ng Baguio para mag-audition, tapos aatras lang pala.

Nagulat na lang si Paolo sa nabalitaang kaya hindi na sumipot sa medical and physical examination ang beauty queen dahil may offer na TV show sa TV5. Siya rin ang beauty queen na nag-resign sa kanyang reign at ‘di na hinintay ang competition sa ibang bansa.

Sabi ni Paolo, baka sa July umere ang SP 2 at ‘di pa sila sigurado as of now, kung 16 o 18 castaways ang papasa. Kung tama ang TV host, ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN ang makakatapat nila.

* * *

Sa Season 4 ng Lipgloss, 5:00 p.m. na ito ma­papanood sa TV5 at makikilala na rin ang bagong cast members sa pangunguna ni Lovi Poe. Ang iba pang nadagdag sa cast ay sina Benj Besa, Enz Guanzon, Rhen Escano, Cherry Ann Ku­bota at Regine Angeles at buong season sila ma­kakasama nina Maxine Eigenmann, Kevin La­peña, Louise delos Reyes, Charina Suzara, Ni­co Ibaviosa, Neil Coleta, Zyrus Desamparado at Jesse Mendoza.

But how true na nagre-react ang GMA-7 sa pagpasok ni Lovi sa Lipgloss dahil hindi ito nagpaalam sa kanila? Isyu na naman ba ito?

ACTOR

ALDRED GATCHALIAN

BENJ BESA

DAHIL

GLAIZA

GUILD OF THE PHILIPPINES

SABI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with