P7 million na kotse ni Richard wasak sa aksidente
Nagpadala ng official statement tungkol sa lumalang kuwento na kinasasangkutan ng kanilang artistang si Katrina Halili ang GMA 7.
“GMA Network supports Ms Katrina Halili in her fight for justice. The network is confident that she will emerge from this episode a better, stronger person. GMA continues to trust her as an artist and awaits her return to do the projects lined up for her.”
* * *
Grabe ang aksidenteng nangyari kina Richard Gutierrez sa Cavite kahapon (kung saan namatay ang kanyang personal assistant na si Nomar Pardo habang nasa hospital ang kanyang bodyguard na ligtas na). Parang hindi na pakikinabangan ang kanyang Nissan Skyline GTR Sports car na bumangga sa isang poste na naging sanhi ng brownout sa ilang lugar sa Cavite. Tumagal din ng ilang oras ang nasabing brown out.
Ayon sa isang pulitiko kong kaibigan, worth P7 million ang nasabing sasakyan na mas mabilis pang tumakbo kesa sa mamahaling Ferrari sports car.
“Sikat ‘yang ganyang kotse kasi ‘yan ang ginagamit na model sa computer games,” say ng isang friend ko na minsan na ring nag-test drive ng GTR. Pero after niyang i-test drive, hindi siya nagka-interes na bumili.
Attractive daw sa kolehiyala ang nasabing kotse dahil pag nakita kang nakasakay sa GTR, super pogi ang tingin nila sa inyo.
Salamat sa Diyos at walang masamang nangyari kay Richard. As of presstime, balitang kailangang operahan si Richard sa mata dahil sa mga tumalsik na bubog.
Pakikiramay naman sa pamilya ni Nomar na hindi pa alam ni Richard ang nangyari.
* * *
Maraming galit ngayon sa abogada ni Dr. Hayden Kho na si Atty. Lorna Kapunan. Siguro raw walang anak si Madam at nagawa niyang ipagtanggol si Dr. Hayden na kinukunan ng video ang mga sandaling dapat sana’y sila lang.
Kasabay na lumabas ng abogada si Dr. Hayden kahapon sa isang lugar sa Makati.
Sa interview ng ANC kahapon, sinabi ni Kho na biktima rin siya sa nangyari dahil ninakaw lang ang mga videos ng kanyang isang dating kaibigan.
“I deeply regret everything that has happened because of poor judgment. Nagsisisi na po ako sa dami ng mga nadamay, sa dami ng mga nasaktang tao, dahil may nagnakaw at nagkalat nung videos,” sabi ni Kho sa kanyang interview na nagsabi ring handa siyang harapin ang lahat ng consequences of his actions. Nakiusap din siya na sana ay tigilan na ang panood ng mga sex video niya kasama ang mga nakarelasyon.
“I only feel deep remorse. I know it’s too much to ask for forgiveness right now, pero sana, someday, people would learn to condemn the sin and not the sinner,” sabi pa niya sa interview ng ABS-CBN.
Kahapon ay nagpadala na rin siya ng statement
“The filming of an intimate, strictly personal, and private act is most unfortunate and truly regrettable, and I sincerely apologize for the harm it has done to other parties. I must emphasize that there was no malice on my part, or intention to hurt anyone with these recordings,” sabi niya sa statement.
“I deplore the fact that without my knowledge and consent, these recordings were uploaded on the internet, downloaded, reproduced in optical media form, distributed, and sold to the public.”
Inamin din niyang last December pa siya sumasailim sa professional counseling.
Ngayong nag-sorry na si Hayden, malamang mabawasan na ang issue tungkol dito. May ilan nang nagsasawa at naiinis.
- Latest