^

PSN Showbiz

Eat Bulaga naghanap ng matatalinong bata

- TV UPDATE -

Kitang-kita kung gaano ka-blooming at ka-fit ang bagong kasal na si Judy Ann Santos sa TV special ng kasal nila ni Ryan Agoncillo na pinalabas kamakailan lang sa ABS-CBN. Alamin ang lihim sa pagiging sexy ni Juday mula mismo sa kaniyang fitness instructor ngayong Linggo (May 24) sa Us Girls sa Studio 23.

Hindi rin paiiwan ang mga lalaki sa episode na ito. Panoorin ang instructors nina Sam Milby at Piolo Pascual upang malaman kung paano rin magkaroon ng katawang pagkakaguluhan.

Maghanda na rin sa pagtatapos ng tag-init at pagdating ng tag-ulan at pasukan. Ituturo nina Iya Villania, Angel Aquino at Megan Young kung paano pa rin maging fab sa tag-ulan sa pamamagitan ng kanilang five-day fashion plan para sa pasukan.

Talagang hindi dapat ma-miss ang episode ng Us Girls sa Linggo (May 24), 7:00 pm sa Studio 23. Pumunta sa http://usgirls23.multiply.com para maka-chika ang hosts at fans ng show.

* * *

Talagang ‘di papaawat sa pagpapalabas ng malulupit na anime ang ANIMEGA ng TV5. Siguradong matutuwa at magugulat ang lahat ng anime lovers sa pagdating ng pinakamalaki at pinaka-aabangan na anime title of 2009, ang Fullmetal Alchemist: Brotherhood, na first time mapapanood sa Philippine free TV ngayong Biyernes sa TV5.

Hailed as no. 1 most popular anime of all time sa dalawang Japan TV web polls, sandamakmak na awards na ang natanggap ng Fullmetal Alchemist kaya naman sikat na sikat ito sa buong Asya at pati na rin sa North America. Nanalo rin ang anime na ‘to ng limang awards sa American Anime Awards in 2007, and bagged the Animation of the Year award (para sa Fullmetal Alchemist: The Conqueror of Shambala), Best original story at Best music sa Tokyo Anime Fair.

Pangalawang TV adaptation ng fantasy comics ni Hiromu Arakawa ang Fullmetal Alchemist: Brotherhood na tungkol sa magkapatid na susubukang gamitin ang kapangyarihan ng alchemy para buhayin ang namatay nilang ina. With tragic consequences, mabibigo ang dalawa at sila mismong magkapatid ang mawawalan ng mga parte ng katawan bilang kapalit sa pag-subok nila sa kapangyarihan ng alchemy. Maibalik kaya nila ang mga katawan nila at magtagumpay sa kanilang pakikipagsapalaran?

Find out and be one of the first to witness the debut of 2009’s biggest anime title, ang Fullmetal Alchemist: Brotherhood.

* * *

Bibigyang parangal ng Eat Bulaga ang 30 estudyanteng matatalino subalit kapos sa kaginhawaan bilang bahagi ng Tatlong Dekads na Dabarkads ng programa sa 30 taong pamamalagi sa telebisyon! Tatanggap ng E-BESt Excellence Student Awards ang mga kabataang ito ngayong Sabado , Mayo 23, bukod pa sa inihandang regalo at sorpresa ng TAPE, Inc. na magsisilbing simula nila patungo sa bagong pakikipagsapalaran!

Kaya naman wala munang magagarbong set at costume at mga pabu­losong production numbers sa ika-tatlumpong taon ng EB, dahil ang bawat yarda ng tela, ang bawat bombilya sa mga ilaw at bawat mga pako at pintura sa set na ila­­l­aan sa isang araw ng pagdiriwang sa tele­bisyon, ang katumbas nito ay may mga pa­ngarap na matutupad, maraming pa­­milyang matu­­tulungan at mas maraming makakahawak sa pag-asa nang mas maganda, mas maayos at magan­dang buhay. Kaya isinilang at nabig­yang-katu­paran ang E-BESt ng Eat Bulaga!

Naghanap ang Eat Bulaga ng 30 na bata mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas — mga batang nagtapos na valedictorian, salutatorian at first honorable mention sa gitna ng marami nilang pagsu­bok sa buhay.

Mula sa mahihirap na pamilya ngunit nagsi­simula nang bumuo ng pangarap at unti-unting inaabot ang tagumpay kahit anumang hirap ang pinagdadaanan. Gusto ng programa na ma­ka­sama sa kanilang pangarap.

Gaya ng Eat Bulaga , marami itong hirap at pag­subok na pinagdaanan pero kung hindi ito na­ging matatag at naging masikap para ma­kuha ang gusto ng mga manonood, hindi ito aaabot ng tat­long dekada at patuloy pa.

Saksihan ang nakaaantig na pagpapakilala sa 30 estudyanteng hindi naging sagabal ang pagiging mahirap upang pagbutihin ang kanilang pag-aaral! Para sa kanila, ang edukasyon ang susi sa ta­gumpay ng bawat nilalang!

AMERICAN ANIME AWARDS

ANGEL AQUINO

ANIMATION OF THE YEAR

ANIME

EAT BULAGA

FULLMETAL ALCHEMIST

SHY

US GIRLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with