Back-to-back Asianovela
MANILA, Philippines – Back-to-back na ang aksyon at kilig simula noong Lunes sa back-to-back Asianovela offerings - Hot Shot at Boys Over Flowers sa ABS-CBN.
Sumalubong sa primetime sina Jan Di, Jun Pyo, Ji Hoo, Yi Jeong at Woo Bin sa mas pinaagang oras ng pinakamalaki at pinakapinag-uusapang Korenovela ng 2009 na Boys Over Flowers.
Tinamaan na ng F4 fever ang buong sambayanan dahil sa pilot week pa lamang ay nakatala na ito ng hanggang 28% na ratings at palaging kabilang sa Top 5 primetime programs na pinapanood nationwide ayon sa survey ng TNS.
Lalo pa nila kayong pakikiligin ngayong Linggo dahil mas determinado na si Jun Pyo na mapalapit kay Jan Di. Gagawin nga ng binata ang lahat para lang mapansin ng dalaga na tila lumalaki naman ang pagkamuhi sa kanya.
Dala na rin ng pagmamatigas ni Jan Di at pagseselos sa kaibigang si Ji Hoo ay makukuha na rin ngang aminin ni Jun Pyo sa harap mismo ni Jan Di na siya ang kauna-unahang babaeng nakakuha ng atensyon niya. Saan hahantong ang rebelasyong ito?
Samantala, lalo namang tumitindi ang hardcourt action hatid ng Taiwanese heartthrobs na sina Jerry Yan, Wu Chun, at Show Lo sa Hot Shot.
Matutuklasan na nga ni Andy na si Cherry pala ang nagbabalatkayo bilang si Ball Monster.
Abangan ang Hot Shot pagkatapos ng Mr Bean na susundan agad ng mas pinaagang Boys Over Flowers bago ang TV Patrol World sa ABS-CBN.
- Latest