^

PSN Showbiz

Endorser ng Belo... Sen. Bong pinababawi ang lisensya ni Dr. Hayden

- SEEN SCENE -

SEEN:

Si Jennylyn Mercado sa cashier ng GMA 7 kahapon. Si Jennylyn na ang personal na naniningil ng kanyang talent fee.

SCENE: Ang walang kalatuy-latoy na pag-arte ni Iya Villania sa Only You.

Iniiwan ng mga viewers ang Only You  kung ang mga eksena ni Iya ang ipinakikita.

SEEN: Ang privilege speech kahapon  ni Senator Bong Revilla tungkol sa sex video nina Katrina Halili at Dr. Hayden Kho.

Endorser si Bong ng Belo Medical Group.

SCENE: Si Joanne Quintas ang official makeup artist ni David Cook nang magkaroon ito ng concert sa Pilipinas.

Pinigilan ni Joanne ang sarili. Hindi niya ipinahalata kay David na big fan siya.

SEEN: Kung matalas ang pakiramdam ng Seen Scene readers, mararamdaman nila na sangkot sa mga maiinit na isyu ang lahat ng mga artista na subject dito, kahit simple o parang walang kuwenta ang kuwento. They must learn how to read between the lines.

(Sent from my BlackBerry wireless handheld.)

Ngayon, may pambababoy na naman sa ating kababaihan ang kumalat sa Internet, na kagagawan ng isang Pilipino and this is the reason why I rise today. Mr. President, nakatayo ako ngayon sa inyong harapan para itaguyod at ipaglaban and dangal ng ating mga kababaihan.

Today, a sex video was uploaded in the Internet involving two prominent local personalities. This is different from the first video involving the same personalities which came out last week.

I have also been informed that there are at least two other sex videos involving the same man with other women.

These videos show explicit sexual acts and was obviously taken without the consent of the woman. Malinaw po na patagong kinunan ng lalaking ito ang mga video na inilabas niya sa Internet. Sobrang laswa po ng video at sobrang kababuyan at pagyuyurak sa dangal ng babae ang nilalaman nito.

Ngayong isang Pilipino mismo ang nasa likod ng pambababoy sa ating kababaihan Ginoong Pangulo, higit at mas grabe ang aking galit. Ang mas malala pa Ginoong Pangulo, ay isang doktor ang nasa likuran ng kababuyang ito.

Needless to say, Mr. President, ang isang doktor ay kailangang maging kagalang-galang sa kaniyang pagkilos. Kailangang respetuhin niya ang dangal ng lahat, at tratuhin ng may respeto ang bawat tao.

According to Republic Act 2382 or the Medical Act of 1959, if a doctor displays immoral or dishonorable conduct, then he may be reprimanded or even kicked-out of the profession. Lilinawin ko lang Mr. President, the acts in the video itself is not what I am angry about, kundi ang paraan ng paglinlang nitong doktor na ito, taking advantage of the trust, confidence and emotions, ng kanyang girlfriend, para makunan ng video at ipakalat ito sa publiko, which has definitely ruined the dignity and honor of these poor and hapless women. Ngayon Mr. President, ang babaeng kanyang biniktima ay nasa state depression na. Hindi na po makalabas ng bahay. Kawawa naman.

Ang nakakalungkot pa nito Mr. President, itong babae pa mismo, these past weeks, ang naririnig natin na nagso-sorry, pero ‘ni minsan, itong manyak na ito ay hindi humingi ng paumanhin.

Sa video mismo, makikita ang masamang intensyon nito, na patagong isinet-up ang camera, at pinuwesto ang babae para siguradong makunan. Ginoong Pangulo, ang tinutukoy ko po ay si Dr. Hayden Kho who is a pervert of the highest kind, a predator who has no conscience nor respect for women.

Totoo na wala tayong pakialam sa nangyayari sa loob ng apat ng dingding ng kuwarto ng magsing-irog o mag-asawa, ngunit, kung ang ganitong bagay ay gagawin ng walang pahintulot ng sinumang kasali dito, malinaw na may responsibilidad ang estado na ituwid ang kamalian.

This is the reason Mr. President that I have already written the PRC to revoke the license of Dr. Hayden Kho and ban him from the practice of medicine perpetually. He has no right to treat patients just knowing his state of mind fully well. Paano mo ipagkakatiwala ang anak mong babae sa ganitong doktor?

Hindi siya marunong gumalang sa kababaihan. Para bang wala siyang nanay o mga kapatid na babae. If you ask me, wala sa tamang pag-iisip ang taong ito, and according to the Medical Act, this doctor can also be punished for insanity. Buwang itong doktor na ito. Baliw Mr. President.

This perversity poses a risk to the public that according to studies will escalate to further acts of perversity. Huwag na nating hintayin na may iba pa siyang mabiktima.

But I believe this penalty is not enough. Kaya nga kailangan na po talaga nating magpasa ng batas na magpaparusa sa ganitong mga gawain. Ito ang dahilan kung bakit isinumite ko itong Senate Bill number 12 na magpaparusa sa mga taong gumagawa nito. I believe that voyeurism should be punished, and the publication of sex videos with or without the consent of the parties should be dealt with properly. Kailangan ding parusahan ang mga Internet Service Provider na magbibigay ng access sa mga ganitong kalaswaan. We can follow the Chinese or Middle Eastern model where all ISPs are required to block online pornography. Para sa akin, dapat mabulok sa bilangguan ang mga ganitong tao para wala na silang maperwisyo.

Sa dinami-dami ngayon ng mga sex scandals na kumakalat, kailangan nating kumilos para protektahan ang ating mga kababayan, ang ating mga kababaihan, lalo na ang mga kabataang kababaihan.

Kung hindi tayo kikilos ngayon, para bang nawalan na rin tayo ng karapatan na magalit at bumatikos sa mga dayuhang bumababoy at yumuyurak sa dangal ng Pilipina.

Because of how strongly I feel about the issue, and how serious this matter is, I have chosen to exercise my privilege not to be interpellated. Umaasa po ako na maiintindihan ninyo. Thank you very much, Mr. President.

DR. HAYDEN KHO

GINOONG PANGULO

MEDICAL ACT

MR. PRESIDENT

ONLY YOU

PARA

PRESIDENT

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with