^

PSN Showbiz

Katrina gibang-giba na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ang lakas ng kulog sa lugar namin noong Linggo kaya hindi ko naumpisahan ang panonood ng mga showbiz talk shows.

Hindi ko pinangarap na masira uli ang aking TV set dahil sa malakas na kulog, tulad ng nangyari noon. Natsugi ang aking TV set dahil itsurang malakas ang kulog, ipinagpatuloy ko ang panonood ng TV.

Mula noon, natuto ako ng leksyon na huwag manood ng telebisyon kapag kumukulog at kumikidlat.

Mabuti na lang, wala akong masyadong na-miss noong Linggo dahil kung ano ang mga isyu sa Startalk noong Sabado, ‘yon pa rin ang mga pinag-usapan sa mga Sunday showbiz talk shows.

Ang dami-daming kuwento ng Startalk kaya nag-overtime ang show namin. Hindi na tuloy naipakita ang mga nangyari sa debut ni Mommy Dionisia Pacquiao.

Ipinakita naman sa Showbiz Central ang mga happenings sa party ng Pambansang Madir. Naloka ako sa pagsasayaw ng nanay ni Pacman. Talagang humataw siya sa dance floor with matching lifting! Tinalbugan niya ang lifting nina Vilma Santos, Alma Moreno at Maricel Soriano noong may mga TV variety shows pa ang tatlong aktres.

Ang saya-saya talaga ng birthday party ni Mommy Dionisia na paulit-ulit ang pag-acknowledge sa kanyang mga fans.

* * *

May mga suggestion na isapelikula ang rags-to-riches na buhay ni Mommy Dionisia.

Ang tanong, may produ ba na interesado? Sino ang aktres na puwedeng gumanap na Dionisia? Si Caridad Sanchez, Nora Aunor o Dionisia as herself? Puwede rin si Dyan Castillejo na naging kamukha ni Mommy Dionisia after the make-over!

Teka, inihahanda na ng GMA 7 ang bagong TV show ni Manny. Isang sitcom ang next TV project ni Manny at malay natin, baka maging mainstay o guest si Aling Dionisia na enjoy na enjoy na sa showbiz. Komportableng-komportable na siya sa harap ng kamera huh!

* * *

Masyado nang violated ang pagkababae ni Katrina Halili na nagsalita na hindi na siya masyadong napapanood sa TV dahil sa eskandalo na idinulot ng video nila ni Dr. Hayden Kho.

Marami na ang naaawa kay Katrina. Ang sey nga ng isang PSN reader, gibang-giba na ang kanyang pagkatao.

Mas makabubuti yata na magpahinga muna si Katrina dahil emotionally at mentally affected na siya. Pinagsisihan na niya ang pagpatol kay Doc Hayden kaya naloloka siya dahil hanggang ngayon, nagbabayad pa rin siya.

Payat na si Katrina. Halatang dinidibdib niya ang mga nangyayari. Palaging mugto ang kanyang mga mata dahil iyak siya nang iyak. Kung may ipinagdarasal ngayon si Katrina, siguradong ito eh ang matapos na ang kalbaryo niya na resulta ng pakikipagrelasyon niya kay Doc Hayden, two years ago.

* * *

Sa mga nagtatanong kung bakit parang hindi ko naging alaga si Dr. Hayden dahil sa mga sinasabi ko laban sa kanya na may kaugnayan pa rin tungkol sa video scandal niya, uulitin ko ang aking statement, pumayag ako noon na tulungan siya dahil sa friendship at pagmamahal ko kay Dr. Vicki Belo. Kung hindi naman sinabi sa akin ni Vicki noon na tulungan ko yun, hindi ko panghihimasukan ang kanyang showbiz career.

Hindi naging malalim ang manager-talent relationship namin ni Dr. Hayden at ipinag­papasalamat ko ito dahil hindi ako nagkaroon ng masyadong emotional attachment sa kanya.

ALING DIONISIA

ALMA MORENO

DAHIL

DIONISIA

DOC HAYDEN

DR. HAYDEN

MOMMY DIONISIA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with