^

PSN Showbiz

Phillip Salvador bagong Presidente ng Actors Guild

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Mabuti na lamang at sa APT Enter­tainment, producer ng Eat Bulaga kasama si Vic Sotto, hindi ito nakasali sa pinagba­bawalang mga artista ng Kapuso network na tumanggap ng programa sa TV5. Nagawa niyang tanggapin ang pagiging host ng bagong game show nitong Who Wants To Be A Millionaire? na magsisimulang mapanood sa May 23, Sabado 6:00 ng gabi.

Una nang naging host ng programa locally sa IBC 13 noon si Christopher de Leon.

Napanood ito ni Bossing Vic nun at humanga naman siya sa paghu-host ni Boyet. Hindi na siya nagdalawang isip nang ialok ito sa kanya ng TV5.

Hindi lamang si Vic ang natutuwa sa kan­yang bagong trabaho, happy din ang love niyang si Pia Guanio at ang anak niyang si Oyo Sotto na mayroon ding programa sa TV5. Nau­na na sa kanyang magtrabaho sa nasabing net­work ang isa pa ring Eat Bulaga host na si Joey de Leon.

* * *

Binabati ko si Ipe, Phillip Salvador, dahil nasa mga kamay niya ngayon nakasalalay ang pagpapatakbo ng Actors Guild na ilang taon ko ring pinamunuan. Kahit mahirap ang in­dus­triya at maraming manggagawa ang walang hanap­buhay, kailangang magawaan ng paraan ni Ipe na maitawid ang industriya at mapa­ngalagaan ang kapakanan ng mga mang­gagawa. Mayroon naman siyang board na tutulong sa kanya na pinamumunuan naman ni Rez Cortez.

Medyo mahirap ang pagdadaanan ng bagong pamunuan ng Actors Guild, una dahil sa kahirapan ng buhay ngayon. Kakaunti ang gumagawa ng pelikula, karamihan dito, mga indie movies na walang gaanong kapital at todo-bagsak ang bayad sa mga nagtatrabaho kasa­ma na ang mga artista. Paano makatu­tulong ang mga manggagawa kung sila unang-una ay nangangailangan din ng tulong pinansyal? Tumutulong naman ang Mowelfund pero, kulang din ito ng pondo. Hindi sapat sa napaka­raming dapat tulungan. Kaya nga sumasakit din ang ulo ni Boots Anson Roa sa kaiisip ng paraan para madagdagan ang pondo ng Mowelfund.

Dito kailangan ng tulong nina Ipe. Mga matitinding fund-raising ang kailangan nilang gawin. Marami namang paraan, ‘yun nga lang nangangailangan ito ng panahon. At ‘yun ang kakain ng marami nilang oras. Sa kanila nakatuon ang pansin ng industriya, sa kanilang maibibigay na tulong. Tulungan din natin sila, tayong may kakayahan.

* * *

Humahanga naman ako kay Candy Pangilinan sa ginawa niyang paghingi ng dispensa sa ating mga kapatid na katutubong Igo­rot dahil sa nasabi niyang nakasakit sa kani­lang damdamin nang mag-show siya dun kama­kailan lamang.

Pakiramdam ko naman, walang intensiyon na manghamak ng kanyang kapwa ang komed­yana nang sabihin niyang “Akala n’yo, Igorot ako ‘no? Tao po ako.”

May mga hindi lamang siya naipa­liwanag dahil nang sabihin niya ‘yun ay nasa tabi siya ng isang istatwa ng Igorot, Maling pangungusap lamang siguro ang nasabi niya.

Nag-public apology na siya, pata­warin n’yo na siya.

I’m sure she meant no harm, hindi siya ang tipong nanlalait, matangi lamang kung nagpapatawa siya.

At ikaw naman Candy, isipin mong maigi kung ano ang sasabihin mo pag nasa show ka bago ka bumitaw ng mga salitang puwedeng maka-offend.

* * *

Mas papatok siguro kapag ang next na kunin ni Jomari Yllana para mag-perform dito sa atin ay ang mga current finalists sa American Idols lalo na si Adam Lambert na ayon kay Vero Samio ay magiging pinaka-magaling na American Idol na mapipili kung sakaling mananalo ito, dahilan sa text votes pa rin naman ang mamamayani sa pakon­tes na ito.

Magaling din daw ‘yung Cris Allen who I’m sure will give Adam Lambert a good fight.

Pero mas mahusay na judge ‘yung babaeng bagong pasok as compared to Paula Abdul na puro salita pero ‘yun at ‘yun din naman ang sinasabi. Mas gusto ko na si Simon Cowell na prang­ka sa kanyang mga sinasabi.

Finals na ng AI sa linggong ito, I’m sure pinaka-aabangan n’yo ito.

ACTORS GUILD

ADAM LAMBERT

EAT BULAGA

IPE

LSQUO

NAMAN

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with