Boylet ni Mommy Dionisia nanghihingi ng P3M
Nag-bonding pala sa isang drinking session nung minsan sina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz sa isang five star hotel sa Makati.
Inabot daw ng isang oras ang kanilang ‘session’ habang seryosong nag-uusap ang dalawa. After an hour, sabay na rin silang umalis ayon sa source na nasupladuhan pa kay John Lloyd dahil ‘di raw ito namamansin kahit tinawag na niyang idol.
Actually, matagal nang pinagbubulungan na may something between them. In fact, si Ruffa ang itinuturong dahilan ng hiwalayang John Lloyd at girlfriend ng actor na si Liz Uy.
Pero nag-deny dito si Ruffa. Wala raw siyang kasalanan at wala raw dahilan para ma-link sila lalo na’t tapos na sila sa taping ng Betty La Fea. Sabi pa nga niya sa isang interview: “Siguro we wait for her (Liz) to come back, we wait for John Lloyd to come back para sila na magsabi kung totoo man (wala pa si John Lloyd nang mag-react siya sa The Buzz two weeks ago).”
Well, kung meron mang something between Ruffa and John Lloyd, wala naman sigurong masama dahil matagal-tagal na rin silang hiwalay ni Yilmaz Bektas at sa katunayan, nag-file na siya ng custody sa dalawa nilang anak na sina Lorin at Venice.
Si John Lloyd naman, kilala na mahilig sa mas mature na babae.
* * *
Sinugod pala ng hari ng boxing na si Manny Pacquiao ang dyowa (boyfriend) ng kanyang dakilang nanay na si Aling Dionisia. Ang rason ng panunugod: hinihingan ng bagets na DI (dance instructor) na 20 something ang edad ayon sa source ng P3 million si Aling Dionisia para maging puhunan sa kanilang negosyo.
Yup, you read it right.
Three million pesos ang hinihingi nito na nadiskubre ni Manny noong nasa Amerika sila nang mabasa raw nito sa text sa cellphone ng kanyang nanay ang panghihingi ng datung ng DI sa kanyang nanay.
At nang kausapin, sabi raw ni Manny: “Bakit mo ginaganun ang nanay ko?
Sagot naman daw ng DI: “Nagmamahalan kami ni Dionisia.”
Hahahaha. Oh my...
Kaya ngayon, ayon sa source, bantay-sarado si Aling Dionisia ng mga kamag-anak dahil baka masalisihan sila ng DI na karelasyon ng nanay ng pambansang kamao.
Kaya pala, kahit ang mga kapatid niya ay nagwi-wish na napanood on national TV na sana wala na lang lovelife ang kapatid nila.
Naku, pasaway pala itong si Mommy Dionisia pagdating sa love.
Siya pa naman ngayon ang pinaka-sikat na nanay sa bansa at siguradong papatok siya pag gumawa ng pelikula.
* * *
Hindi rin pala nakaligtas ang American Idols na sina David Cook at David Archuleta sa swine flu checks nang dumating sila sa bansa three days ago.
Yup, napilitan silang magpa-health checklist at i-report ang kanilang temperatures at least twice a day bago ang kanilang concert ngayong gabi sa SM Mall of Asia concert ground ayon sa report ng AP.
Ayon sa report, sinabi ni Mr. Edgardo Sabitsana, director ng quarantine bureau na nagmamadali ang dalawa sa airport without completing health checks na mandatory sa lahat ng papasok ng bansa.
Kaya pinuntahan pa ng mga official sa kanilang hotel rooms ang dalawang David at pinaalalahanan na puwede silang arestuhin pag hindi sila naki-cooperate.
“We had to mention the authority of the quarantine bureau that we can do something if they refuse,” sabi ng opisyal sa interview ng AP.
Pero naging cooperative naman daw ang dalawa.
Actually, delayed naman ang reaction nila dahil ngayong gabi na ang concert at nakapaglibot na sila sa mga malls para mag-promote ng kanilang concert. Meaning, marami na silang nakahalubilong fans.
In fairness, maraming nai-excite na manood ng concert ng dalawang David. Bukod kasi sa sikat, parang parehong mabait ang dalawa. Lalo na si David A. na para palang totoy. Parating nakatawa nang mag-guest sa Sis last Thursday. Na-appreciate niya ang nagkakagulong fans.
Pero mas nai-excite ako kay David Cook.
The other night ay humarap sila sa local press at pinagkaguluhan din sila.
- Latest