^

PSN Showbiz

David A. malambot; Kris pinaglalaruan ng designer; Boytoy ni Aiai magaling sumayaw

- SEEN SCENE -

Seen : Si Julio Cabrera ang itinapat ng Ruffa & Ai sa live guesting ni David Archuleta sa SIS. Nagpakita ng galing sa pagsasayaw ang ‘boytoy’ ni AiAi delas Alas. Nangangamoy gimik din ang romansang AiAi at Julio.

Scene : Ang nakakaduda na ‘lambot’ ng mga kilos at pananalita ni David Archuleta. Lumitaw ang kanyang kalambutan sa babad na guesting niya sa SIS.

Seen : Napanood na ng pamilya ni Hayden Kho ang kanyang uncensored sex video.

Hindi pa naglalabas ng official statement si Hayden tungkol sa eskandalo na ginawa niya.

Scene : Lumalawak ang away ng talent manager na si Arnold Vegafria at Mikaela Bilbao ng Mikaela Advanced Aesthetic Center.

Malamang na umabot sa korte ang kanilang usapin.

Seen : Ang YouTube video na may pamagat na “Ang Tunay Na May-Ari ng mga Ari-Arian ni Willie Revillame.”

Isinasangkot sa video ang pangalan ng mataas na opisyal na malapit kay Willie.

Scene : Boyfriend na at hindi basta manliligaw ni Iza Calzado ang Uno Magazine owner na si Atticus King. Si Atticus din ang managing director ng family-owned Victoria Court.

Seen : Ang matinding paghanga kay David Archuleta ng Sugarpop member na si Renzo Almario.

Halos maiyak at nanlambot si Renzo nang makaharap niya si David.

Scene : Hindi na maaliwalas sa pa­ni­ngin ang mga Filipiniana gown na gina­ga­mit ni Kris Aquino sa Pinoy Bingo.

Pinaglalaruan na ng designer ang mga Filipiniana gown na ipinasusuot niya kay Kris.

Nagmukhang sirena si Kris sa isang gown na ginamit niya.

vuukle comment

ANG TUNAY NA MAY-ARI

ARNOLD VEGAFRIA

ATTICUS KING

DAVID ARCHULETA

FILIPINIANA

HAYDEN KHO

IZA CALZADO

KRIS AQUINO

MIKAELA ADVANCED AESTHETIC CENTER

MIKAELA BILBAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with