^

PSN Showbiz

Nagsampa ng custody case, Ruffa gustong solohin ang dalawang anak

-

MANILA, Philippines – Hiniling kahapon ng aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez sa Quezon City Regional Trial Court na ibigay na sa kanya ang pangangalaga o custody sa dalawa niyang anak na kapwa menor de edad pa – sina Loren at Venice.

Naitalaga kay QCRTC Branch 107 Judge Jose Bautista Jr. ang custody petition ni Ruffa (Sharmaine Gutierrez sa tunay na buhay) na ang defendant ay ang asawa niyang negosyanteng Turkish na si Yilmaz Bektas.

Nabatid na pinadalhan na ng korte ng summon si Bektas sa kasalukuyang tirahan nito sa Istanbul, Turkey para ipaabot ang petisyon ng kanyang dating asawa.      

Ikinasal sina Ruffa at Yilmaz sa The Fort, Taguig noong Marso 25, 2003 at naging anak nila sina Loren at Venice na lima at apat na taong gulang ayon sa pagkakasunod.

Pero nabulgar noong Mayo 8, 2007 ang paghihi­walay nilang dalawa matapos ang apat na taong pagsasama dahil sa umano’y pambubugbog ni Yilmaz kay Ruffa. Bumalik sa bansa si Ruffa at dalawa niyang anak at hinarap ang showbiz career.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nagsasampa ng annulment petition si Ruffa.

Hataw ang career ni Ruffa sa kasalukuyan sa Kapamilya Network.

BEKTAS

JUDGE JOSE BAUTISTA JR.

KAPAMILYA NETWORK

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RUFFA

RUFFA GUTIERREZ

SHARMAINE GUTIERREZ

YILMAZ

YILMAZ BEKTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with