Mainit na bakbakan sa Zorro
MANILA, Philippines - Kumalat na sa buong plaza ang pagkamatay ni Don Roberto at si Antonio ang pinagbibintangan kaya’t nakulong ito sa karsel.
Kinumusta ni Chiquita kay Ramon ang kaso ng kanyang tiyo. Sinabi ni Ramon na nakulong na si Antonio at madali lang daw na nailagay ang ebidensiya dahil isa siya sa mga awtoridad.
Nasa opisina ng mahistrado sina Antonio at tinatanong kung saan nakita ang mga ebidensiya na nagpapatunay na si Antonio ay may kinalaman sa pagkamatay ng ama. Idinidiin siya ni Ramon.
Itinanggi ni Antonio ang lahat ng ibinibintang sa kanya ngunit hindi pa rin naniwala ang mahistrado kaya’t hinatulan siya ng kamatayan.
Dadalhin na sana sa plaza si Antonio nang pigilan ito ni Pepe na kasama ang taong pula. Nang hindi niya mapigilan si Ramon ay pinasalakay niya ang mga ito sa taong pula.
Ilan lang ‘yan sa aabangang eksena sa Zorro na bida si Richard Gutierrez.
Mas umiinit ang bakbakan sa bawat eksena ng isa sa mga nangungunang primetime show ng GMA 7.
- Latest