^

PSN Showbiz

Baywalk Bodies tsinop-chop na!

- Veronica R. Samio -

Sinabi ng manager ng Baywalk Bodies na si Lito de Guzman sa kanyang 41st birthday celebration, na hindi nabubuwag ang grupong   Baywalk Bodies, buhay na buhay pa rin ang mga ito kaya lang para mas madali niyang mai-book ay nag-desisyon siya na paghatiin ang 18 miyembro sa tatlong grupo.

Lima-lima ang miyembro ng tatlong grupo na ang ikatlo ay hindi muna niya bibigyan ng assignment dahil pinarurusahan muna niya ang mga ito dahil sa mga kasalanang ayaw na niyang ibunyag pa.

Ang unang grupo na binubuo ng mga original members na sina Jeannette, Micaela, Zest, Dove at Lyna ay nakatakdang i-relaunch next month sa pangalang Baywalk Bodies Prettilicious.

Samantala, nagsilbi namang host during Lito’s birthday ang grupong Baywalk Bodies Evolution na binubuo ng ani Lito ay talagang mga performers dahil kumakanta sila’t nagsasayaw. True enough, kasing sexy sila ng Baywalk Prettilicious at mukhang nakakabata, especially ‘yung pinaka-bagong miyembro na si Lucille na sa tingin ng marami ay naga-adjust pa lamang pero, pansin ang kanyang kabataan at kaseksihan.

Nagsisilbing leader ng grupo ang original member din na si Rejoice Rivera na kasing sexy ng mga kasa­mahan niya sa Prettilicious pero kailangang magba­was ng kaunting timbang kung gusto niyang maka­laban ng parehas sa kanilang rival group na nakita kong fit na fit pero nagpapapansin, lalo na si Jeannette, na higit na maganda ngayon at sigaw nang sigaw habang nagpi-perform ang Evolution. Was she cheering or trying to get attention ng napaka-raming bisita ng kanilang manager?

Ang iba pang miyembro ng Evolution ay sina Kissa Kurdi, Wella Williams at Michaela Mon­teverde.

Handa na rin si Lito de Guzman kung sakali mang magkaroon ng rivalry ang kanyang mga Baywalk Bodies.

 “Hindi ito maiwasan pero dito ko makikita kung hang­gang saan nila itutulak ang kanilang mga sarili para lamang makaangat sa kanilang kalabang grupo. Dito nakasalalay kung hanggang saan nila mapapatakbo ang kanilaang career.”

Sa ngayon, hinahati ni Lito ang kanyang panahon sa pagma-manage ng napakarami niyang talents at sa pag-aasikaso ng kanyang lumalagong mga negosyo.

 “Hindi na ang pagma-manage ng talents ang bread and butter ko. May negosyo na rin ako ng mga expensive bags na sa kabila ng kamahalan, tulad ng Hermes bags, ay talaga namang mabenta at may negosyo na rin akong alahas. Kaya kung hindi magsisikap ang mga talents ko, bahala sila pero ang masasabi ko fully booked silang lahat sa movies, TV, shows here and abroad, maski na commercials. Asikaso ko rin sila at I’m on the lookout din for fresh and new talents,” sabi ng manager na talaga namang proud sa kanyang mga alaga.

* * *

Isa sa bagong talent ni Lito na talaga namang ipinagmamalaki niya ay ang Fil-Australian na si jMore.

 “Mas magaling siya kay Billy Crawford dahil he composes, arranges and sings his own songs. Nagsasayaw din siya,” pagmamalaki niya sa 22 years old niyang alaga na kailan lamang niya sinimulang i-manage pero nakagawa na ito ng album under his own LDG Productions and Entertainment Recording Company.

May isang taon at kalahati na si jMore sa Pilipinas pero kailan lamang sila nag-meet ni Lito kung kaya kailan din lamang siya nakapagsimula ng kanyang career dito.

He is with his parents here. Pareho silang Pinoy na tumutulong kay Lito kapag may show sila dun ng Baywalk Bodies.

Unang pinag-aralan ni jMore ang pagsasalita ng Tagalog at ngayon ay matatas na matatas na siya sa lenguwaheng ito.

Lahat ng nilalaman ng kanyang album ay siya ang may gawa. 

Crush na crush ni jMore si Maja Salvador.

 “Sana magkaroon ako ng chance na maging friend siya,” hiling niya.

Favorite local artists niya sina JayR at Sarah Geronimo.

* * *

Ngayong ipinagdiriwang ni Jericho Rosales ang kanyang 12th anniversary sa showbiz, hindi niya maiwasan na maalala ang kanyang pinagmulan bago siya naging sikat na artista. Iilan lamang ang nakakaalam ng detalye ng kanyang buhay bago siya sumali ng Mr.Pogi ng Eat Bulaga. Bago ito, marami siyang pinasok na iba’t ibang mahihirap na trabaho, tulad ng pagtitinda ng isda sa palengke sa Concepcion Marikina.

“Hindi ko ikinahihiya ang pagtitinda ng isda, malaking bahagi ‘yun ng aking buhay, marami akong natutunan sa experience kong ‘yun. Hindi dahilan ang kahirapan para maabot ng isang tao ang kanyang mga pangarap. Dala ko na ‘yon saan man ako makarating, ” sabi niya.

 Aminado ang aktor na marami siyang pinagkakautangan ng loob kaya siya nagtagumpay. Kasama na rito ang kanyang pamilya at mga kaibigan, ang ABS CBN, Manila Genesis Entertainment and Management, Inc. at ang kanyang mga fans. Ngunit gusto rin niyang bigyang parangal ang kanyang mga kasanggang manggagawa sa Concepcion market. Talagang tuluy-tuloy na ang pagbuhos ng biyaya kay Echo dahil marunong siyang lumingon sa kanyang pinanggalingan.

BAYWALK

BAYWALK BODIES

BAYWALK BODIES EVOLUTION

KANYANG

LITO

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with