Nyoy kapamilya na
MANILA, Philippines – Alaga na pala ng ABS-CBN Star Magic artists ang tinaguriang King of Acoustic Pop na si Nyoy Volante. Yup, certified Kapamilya na si Nyoy na ex-girlfriend ng singer na si Nina na umabot na sa korte ang issue tungkol sa umano’y utang ni Nyoy sa dating GF.
Nakilalang magaling na acoustic artist si Nyoy.
Sa kanyang official website, nakasulat na si Nyoy ay “as one who knew how to evolve with the changing demands of the music industry and does not mind sailing uncharted routes in the name of music.”
Bukod sa acoustic, magaling si Nyoy sa pop, rock at jazz. Ang MCA recording artist na ito ang nagpasikat ng mga kantang Nasaan, You’re My You, What Do I Do, Ha at mga remakes na Each Day With You, Panalangin, Kahit Kailan, Panaginip, Narito Ka, Eto Na Naman, Beep-beep, at iba pa. At meron na pala siyang seven commercially released albums, five non-commercial albums, 2003 Acoustic Certified Platinum at 2004 NV&M Certified Gold.
Kasama ni Nyoy sa kanyang mga performances ang kanyang four-piece rhythm section na Rhythmic Circle. Ngayong buwan ng Mayo, mapapanood siya sa Bagaberde, Roxas Boulevard, Mall of Asia Music Hall at Davao. Siya rin ang Ambassador of Goodwill for BIR Girls Charities, Inc. at may business na tinawag niyang H.E.R.O.E.S (Honing, Enhancing, Refining of Entertainers School).
Isa ring multi-awarded singer at composer si Nyoy. Nanalo siya sa Shanghai Music Festival Composer at may mga awards din siya galing sa PARI/OPM, Awit Awards, Aliw Awards, MTV, Center for Excellence, Department of Education, Department of Tourism at People’s Choice.
Composer din siya ng iba’t ibang TV/Radio commercial jingles at gumawa na rin ng mga theme songs sa TV.
Oh, see? Marami naman palang raket si Nyoy.
Bakit kaya nagkautang pa siya kay Nina?
Pay na lang niya para tapos na ang kuwento. Sigurado namang magkikita sila sa bakuran ng ABS-CBN dahil si Nina ay regular performer sa ASAP.
Maliit lang talaga ang showbiz noh.
- Latest