Dahil Espanyol ang salita, AiAi 'di maka-bonding ng solo ang boylet
Magsasagawa ang Philippine Movie Press Club o PMPC ng kanilang taunang pagbibigay ng parangal sa natatanging mga pelikula, artista at mga manggagawa sa pelikulang Pilipino, ang Star Awards for Movies, para sa taong 2008-2009 sa May 28, Huwebes, 7 p.m., sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Quezon City.
Magsisilbing host ng tinatayang isang marangal at star-studded night sina Maricel Soriano, Cesar Montano at AiAi delas Alas, trivia host naman sina Piolo Pascual at KC Concepcion.
Ang Star Awards for Movies na nagdiriwang ng kanyang silver anniversary this year ay prodyus ng Fit Films International, Inc.
Bukod sa pelikula, pinararangalan din ng mga miyembro ng PMPC ang mga taga-telebisyon (Star Awards for TV) at sa taong ito, sisimulan nila ang pagbibigay parangal sa mga taga-industriya ng musika (Star Awards for Music.)
Ang PMPC ay nasa pamumuno ngayon ni Roldan Castro bilang pangulo. Tumatayong chairman ng Star Awards for Movies si Melba Llanera.
* * *
Bata na naman ang ‘flavor of the month’ ni AiAi delas Alas, 25 years old at isang modelo mula sa Venezuela. Unang nakaakit kay AiAi ang mga mata nito na parang tinutunaw siya kapag tumitingin ito sa kanya.
Pero sa dalawang ulit na paglabas na hindi lamang silang dalawa kundi marami silang kasama, wala pa silang matatawag na bonding moments. Hindi rin naman sila pwedeng mag-text dahil Espanyol ang alam nitong salita at hindi naman marunong nito si AiAi.
Inimbita ito ng komedyana para maging escort niya sa premiere night ngayong gabi ng Best Friends Forever (BFF). Magugulat siya kapag nalaman niya kung gaano kasikat ang kanyang eeskortan.
* * *
Sa panahon ngayon ng krisis, hindi makakayang gawin ng Star Cinema ang isang pelikula na magkakasama sina Vilma Santos, Edu Manzano, Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. Masyado raw malaki ang kakailanganing budget kaya sa halip, pinag-iisipan nila ng proyekto sina Sharon, Gabby at KC o kaya Vilma, Edu at Luis Manzano.
* * *
Isang magandang subject din sana for interview ang magaling at guwapong direktor ng ABS-CBN na si Lino Cayetano, direktor ng bagong seryeng Boystown pero napakamahiyain nito at very elusive.
Isang taon ding nawala si Direk Lino sa sirkulo dahil nag-aral sa New York ng film producing, directing at cooking. Feeling niya, gumagaling siya kapag gumagawa ng mga projects na hindi para sa kanya.
May bagong love ang direktor in the person of a beautiful foreign photo journalist. Ayaw na kaya niya sa mga local girls dahil madalas lamang sila maintriga? With his current girl, tila nakasapat na sa local media na malaman ang pangalan at kung ano ang ginagawa niya, dahilan para makahinga ng maluwag si direk Lino.
- Latest