Pops at Regine naghahanap ng Bagong Star
May bago at naiibang reality search na isasagawa ang GMA simula sa Mayo 16. Ito ang Are You The Next Big Star na kung saan ay pagsasamahin ang mga amateur at professional singers sa isang all out singing competition. Pangungunahan ito ni Regine Velasquez kasama si Keempee de Leon.
Dalawa ang tatanghaling kampeon, isang babae at isang lalaki.
Sa mahigit 10,000 na nag-screen, 150 ang nakuha. Maghaharap-harap ang mga ito sa loob ng 16 na linggo ng challenges, workshop at live performances na susubok at hahasa sa angking galing sa pagkanta, pop star power at over-all mass appeal ng mga napili.
Nakuhang mga judges sina record producer, composer at arranger Danny Tan, musical director at arranger Mon Faustino, vocal coach at isa sa mga naunang miyembro ng The Company - si Annie Quintos, 90’s pop icon Randy Santiago at concert queen Pops Fernandez.
Bukod dito, sa kabuuan ng kompetisyon ay mayroon pang tatayong mga jury para sa elimination process para masigurong ang pinaka-magaling lamang ang mananalo. Hindi pa sinabi kung saang punto ng paligsahan papasok ang text votes, baka kapag 20 boys/20 girls o 8 boys/8 girls na lamang ang naglalaban o mas kakaunti pa rito pero magkakaroon ng text voting system.
Isang kaibahan din ng paligsahan ang gagawing pagkilala ni Keempee sa mga contenders before and after ng performances ng mga ito. Aalamin niya ang buhay-buhay nila.
“Marami sa mga napili ang mga bagong mukha, mga 16 years old lang at talagang magagaling kumanta. Ang talent nila at kung mayroon silang nung tinatawag na X factor will determine the winner,” ani Songbird during the presscon for the said reality search.
“Hindi lamang naman basta singer ang hinahanap but somebody who will be able to bring in the crowd sa Araneta Coliseum,” susog ng isa namang executive ng GMA na si Darling de Jesus.
- Latest