Sinisikreto... Kasal nina Regine at Ogie Ready Na!
Nakakaaliw si Mrs. Dionisia Pacquiao. Mukhang papatok siya ’pag gumawa ng pelikula. Natural ang kanyang pagiging komedyante. Hehehe.
Mukhang marami ang patataubin niyang komedyante oras na pasukin niya ang pag-arte sa pelikula.
Kahapon sa Startalk, nakakaaliw ang mga sagot niya. May sinasabi pa siya tungkol sa alahas na basta raw puwede sa pawnshop.
At nang tanungin ni Joey de Leon tungkol sa balitang pelikula nila ni Manny, pag-iisipan pa raw ng pamilya nila.
Hahaha. Ganun.
Isang Mother si Aling Dionisia na dapat ipagbunyi ngayong araw ng mga nanay.
Maligayang araw sa lahat ng mga ina.
* * *
Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang annulment case ni Ogie Alcasid, kaya naman wala pa ring maisagot si Regine Velasquez sa plano nilang kasal ng singer/actor.
Isang malapit kay Regine ang nagkuwento minsan na tahimik lang sila, pero oras daw na paboran na ng korte ang annulment ni Ogie, ready na ang kasal ng dalawa.
Yup, as in. Quiet lang daw muna.
Pero ayaw magbigay ng detail ng source dahil bawal ngang pag-usapan na sinasabi rin naman ni Regine. Kailan kaya magga-grant? Mabilis ang paglipas ng panahon.
Anyway balik sa pagho-host ng talent search si Regine – Are You the Next Big Star? Co-host niya sa programa si Keempee de Leon.
Hindi man ang mahal niyang si Ogie ang co-host niya sa bagong programa ng GMA 7 na sa unang pagkakataon ay ‘di lang amateur singers ang puwedeng sumali kundi maging professional singers basta walang existing recording contract at mainstream singing appearances last year up to now.
Pero dahil same features sila Ogie at Keempee, parang nakikita na rin niya ang singer na boyfriend na abala naman sa pagiging ‘Yaya’ sa Hole In The Wall.
“Excited na ako sa show na ito. Somehow, nakaka-relate ako sa mga contestant,” sabi ng songbird.
Produkto si Regine ng Bagong Kampeon at in fairness sa kanya, hanggang ngayon, bongga ang career niya at parang wala pang puwedeng pumalit sa kanya bilang songbird. “Marami na nga eh. Magri-retire na nga ako,” sabay tawa niya na nagbibiro.
“Hindi ko talaga alam kung anong sikreto, binibigyan ako ang GMA ng magagandang project. Saka siguro ‘yung passion ko sa pagkanta,” sagot niya.
Sadly kasi, hindi kasing palad niya ang ilang nanalo sa singing search ng GMA 7 na Pinoy Pop Superstar na particularly ay siya ang host.
Nakatatlong winner sila, pero walang masyadong ingay ang mga ito.
Kahit ang winner sa Pinoy Idol na si Gretchen Espina ay wala pa ring career hanggang ngayon though magkakaroon na raw dahil malapit nang matapos ang debut album nito sa Sony Music at makakasama na rin siya (Gretchen) sa SOP (finally).
Sabi naman ni Regine, masuwerte pa nga ang mga nanalo sa talent search ngayon, may network silang back up. “Noon after kong manalo, kanya-kanya na kami,” sabi niya.
In fact, ang mananalo sa Are You the Next Big Star? ay bongga ang iuuwing premyo at maraming plano ang GMA 7.
Magiging judges sina record producer, composer at arranger Danny Tan, musical director at arranger director Mon Faustino, vocal coach at isa sa mga unang miyembro ng The Company, Anne Quintos, 90s pop icon Randy Santiago at ang concert queen Pops Fernandez.
- Latest